Kabanata 1

8 4 1
                                    


KABANATA 1

Red Dress

"Yassi! Yassi bangon na!" Inis na minulat ko ang mata ko. At ang ganda naman nang bumugad sa akin.

"Hayst. Bakit na naman ba? Sabado ngayon ate, walang pasok" tinabunan ko nang kumot ang mukha ko at muling ipinikit ang mata ko.

"Yah. I know, pero samahan mo naman ako" pilit na inaalis ni ate ang kumot sa mukha ko.

"Saan na naman ba yan? Ang aga-aga eh" pagmamaktol ko.

Para naman kasing ewan. Ke aga aga nambubulabog. Bakit di siya magpasama sa boyfriend niya?

"Sa mall lang, sige na. And besides alas nuebe na kaya. Come on, hindi kasi makakasama si Yanne dahil may group project sila" at dahil mabait akong kapatid ay sumuko na ako.

"Fine! Get out, maliligo ako!" Saka ako bumangon at tinulak siya palabs nang kwarto ko.

"Yey! Thank you Yassi!" Che! Kala mo nakalimutan ko na lahat? No way! Inagaw mo sa akin si Josh.

Pumasok na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay naglotion at nagbihis. Naka-halter top lang ako at high waisted shorts and a sneakers.
Binlow dry ko na ang mahaba kong buhok saka naglagay nang sun screen sa mukha at nagpowder at liptint. Ganyan ako kasimple, besides i don't need too much make up kasi i am naturally beautiful. 

Kinuha ko na ang sling bag ko at phone saka lumabas nang kwarto at bumaba sa sala.
Naabutan ko si mama na naghuhugas nang plato.

"Morning ma. Saan si papa?" Humalik ako sa pisngi ni mama.

"Pumasok na. Naghihintay na ang ate mo sa labas"

"Okay po. Alis na kami ma" lumabas na ako nang bahay at nakita ko si ate sa labas nang gate na nag-aabang nang taxi.
Lumabas ako nanng gate at tumabi sa kanya. Naka-dress siya at stilletos and naka....make up? San lakad nito? Tss.

May humintong taxi sa harap namin kaya pumasok na kami.
Yes, hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Mayroon kaming iisang kotse at nakatira kami sa isang subdivision pero hindi kami mayaman. Si papa ay isang vice president sa isang company, at ang sahod niya ay tama lang para mabuhay kami at maibigay ang mga luho namin.

Si mama naman ay anak mayaman at nakapagtapos nang Accountancy pero naghouse wife na lang para matutukn kami. May company sila mama pero di ito sa kanya ipinamana kundi sa kuya niya na tito namin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mall. Pumunta kami sa Pancake Haus at kumain dahil di pa ako nag-aalmusal. Saktong pagtapos kong kumain ay dumating si Josh. Nagulat pa ako dahil akala ko ay kaming dalawa lang ni ate. Pero anlandi lang talaga na pinapunta pa si Josh. Naku nag-iinit ang ulo ko.

Sabagay, boyfriend naman na niya. Hayst. Buhay. Totoo po, 2 months na silang magjowa at isang buwan na nanligaw etong si Josiah sa haliparot kong ate.

"Hi babe, kanina pa kayo?" Hinalikan ni josiah ang noo ni ate bago naupo sa harap ko na katabi ni ate.
"Hi Yassi" ngumiti siya sa akin habang tumango lang ako.

Babe ka diyan! Taksil ka! Sa harap ko talaga josh?! Respeto naman!

"Yup. Dibale kumain pa naman si Yassi kaya hindi naman ako nainip" ngumiti si ate kay josh at nakipagtitigan pa.

Kung alam ko lang na magiging third will ako dito eh di sana hindi na lang ako sumama. Gusto kong mag-iwas nang tingin sa kanilang dalawa dahil kumikirot ang puso ko. Pero tinatraydor ako nang mga mata ko dahil pilit pa din silang tumitingin sa dalawa na masayang naglalandian.

In My Wildest DreamsWhere stories live. Discover now