KABANATA 4Kwentuhan
"Kaycie" humagulgol ako sa linya pagkasagot na pagkasagot ni kaycie sa tawag ko.
"Oh anong nangyare sayo Yass?"
Bakas sa tono ni kaycie ang pag-aalala."Kays" hindi ko magawang magkuwento dahil patuloy ako sa pag-iyak.
"Sige lang bessy ilabas mo lang. Kahit na wag ka munang magkuwento. Let's meet tomorrow, okay?"
Sa buong oras na magkausap kami ni kaycie sa cellphone ay puro iyak lang ang ginawa ko. Siya naman ay nakikinig lang sa mga hagulgol ko sa kanya. Nang mapagod ako ay hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang cellphone ko.
Nagising ako nang mag-alas sais na nang umaga. Bumangon ako at naramdaman ang mahapdi kong mata. Pumunta ako nang cr at nakitang namumugto ang mata ko. Hindi ako pwedeng makita nila mama at papa na ganito ang itsura. Kaya naman dali-dali akong naligo saka at nagbihis nang leggings at racerback saka nagsuot nang rubbershoes. Nagdala din ako nang towel at saka kinuha ang cellphone ko pati ang earphones ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina para uminom nang tubig dahil pakiramdam ko ay nadehydrate ako kakaiyak kagabi. Kaso wrong move dahil nandun si mama at nagluluto.
"Oh anak. Ang aga ming nagising ah. Nga pala bakit hindi ka na naghapunan kagabi? Pati ang ate mo ay magdamag na nagkulong sa kwarto. Nagugutom ka na ba?" Nakonsensya naman ako kaya dumiretso na lang din ako sa kusina at humalik kay mama. Pero hindi ako tumingin sa kanya. Nakayuko lang akong bumati sa kanya.
"Goodmorning ma. Sorry po at nakatulog na ako kagabi kaya hindi ako nakapaghapunan. Mamaya na lang po ako kakain o baka sa labas na lang po. Magjojogging po kasi ako sa park eh" kumuha ako nang tubig sa ref saka uminom habang nakatalikod kay mama.
"Ganun ba? May pera ka ba?" Halos masamid ako sa iniinom kong tubig dahil sa tanong ni mama.
"Yun lang ma. May binili kasi ako kahapon nung nagpunta kami sa mall ni ate. Kaya 1000 na lang po ang pera ko sa wallet"
Binalik ko na ang tubig sa ref saka nagponytail."Ganun ba? Tulog pa kasi ang papa mo at hindi pa din ako nakakapag-withdraw. Kailangan mo ba nang pera? Gusto mo gisingin ko ang papa mo?"
"Wag na ma, salamat na lang po. Ang bait talaga nang mama ko. Sige na po, alis na ako" hinalikan ko siya sa ulo saka yumakap nang hindi siya nililingon saka tumakbo palabas nang bahay.
Pinlay ko na ang playlist ko saka na nagsimulang magjogging palabas nang subdivision at papuntang park na malapit lang sa exclusive village na tinutuluyan nila Josh.
Nagjojogging ako sa park nang may matangkad na lalaki ang sumabay sa akin at pinantayan ang bilis ko. Nilingon ko siya at napahinto ako.
"Hi Ganda. Miss me?" Kumindat siya sa akin saka ngumisi.
Sinuklay niya ang medyo basa niyang buhok saka muking tumingin sa akin."Tss. Miss ka diyan, tigilan mo nga ako Axel" umupo ako sa isang bench na malapit sa lugar kung saan ako huminto. Tumabi naman ang mokong.
"Oh? Ang init nang ulo ah. Kumusta? Ayos ka na ba?" Siya palang ang unang taong nagtanong sa akin nang ganyan ngayong araw.
Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya.
"Salamat nga pala sa pagpapahiram sa akin nung panyo at sa pagsama sa akin sa park" seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napakunot-noo ako."May problema ba? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Wala. Mas maganda ka pa rin talaga kapag nakangiti ka" bigla namang namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"A-alam ko naman na yun. Matagal na" ngumisi siya saka ginulo ang buhok ko.
"Ilang taon ka na Axcel?" Nakatingin ako sa gwapo niyang mukha na tila komportable na sa presensiya niya kahit na pangalawang beses ko pa lang siyang nakita.
"20 and im turning 21 this saturday. Wanna come?"
"Huh? Naku hindi na. Nakakahiya naman"
"Aw you rejected me? Alam mo bang wala pang nangrereject sa akin? Your a legend" natawa naman ako sa sinabi niya. Ang kukit naman.
"O sige na. Libre mo muna ako breakfast" nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.
"Sabi mo yan ah! Susunduin kita sa inyo. But wait, di ka pa nag-aalmusal? Alas siyete na ah"
"Huh? Wala may iniiwasan kasi ako sa bahay. Eh paano mo nga pala ako susunduin sa bahay eh hindi mo naman alam kung saan ako nakatira" ngumisi lang siya sa akin saka hinatak patayo.
"Tara kumain muna tayo nang breakfast" nagsimula na siyang magjogging paalis nang park kaya naman sumunod na ako sa kanya.
Pero pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin. Pumasok kami sa Margarita exclusive village kung saan nakatira sila Josh.
"Saan ba tayo pupunta Axel?"
"Sa bahay" hinawakan niya ang kamay ko saka tumigil sa isang malaking gate na kulay brown. May nakalagay na malaking silver na 'SAAVEDRA' sa taas nang gate.
Hinila na niya ako papasok nang bahay nila. Kasing laki lang nang bahay nila Josh ang bahay nila Axel. Pumasok kami sa loob at dumiretso sa kusina.
"Josh" tawag ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Hi mom" bumeso siya sa babaeng kasing edad lang yata nang mommy ni Josh.
"Hello anak. Whose this pretty lady?" nakatingin sa akin ang mommy niya saka ngumiti.
"Hi po. Magandang umaga, ako po si Yassi" oh ha! Uma-anghel ako kapag kaharap ang mga magulang.
"Ikaw si Yassi? Totoo nga, ang ganda-ganda mo iha" uminit ang pisngi ko sa sinabi nang mommy ni Axel.
"Uhm. Mom kakain si Yassi. Yassi upo ka na" nilingon ko si Josh. Napakapranka naman nito, ang kapal. Nakakahiya sa mommy niya.
"Oh? Sige sige. Upo ka iha. Axel tabihan mo yang girlfriend mo" gulat akong napatingin sa mommy ni axel na nakangiti sa akin.
"Po? Naku! Hindi ko po boyfriend si Axel. Kaibigan ko lang po yan" nilingon ko si axel na nakangisi sa akin.
"Hindi pa, mom. Soon" kinindatan niya ako saka ngumisi. Inismiran ko lang naman siya saka inirapan. Ang kapal ah. Excuse me may asawa na ako. May kabit nga lang. Hmp!
"Naku diyan din naman ang punta niyan" tumawa si Axel sa tinuran nang mommy niya habang ako naman ay nakayuko lang at nagsimulang kumain.
"Maliligo lang po ako mom, yass. Dito ka lang, ihahatid kita" then he winks at me. Inirapan ko na lang ang mokong.
Nagkuwentuhan kami nang mommy niya habang kumakain. Masarap kausap ang mommy ni Axel. Never kang mahihiya o ma-aw-akward-an kapag nasa harap ka niya. I feel so comfortable kausap at kasama ang mommy ni Axel. Panandalian kong nakalimutan ang problema ko sa buhay dahil sa pakikipagkuwentuhan sa mommy ni Axel.
YOU ARE READING
In My Wildest Dreams
Teen FictionHi ako si Yesha Lirriene Ocampo, but they used to call me "Yassi". Tatlo kaming puro babaeng magkakapatid. And ako ang pangalawa at pinakamaganda sa aming tatlo. But then, im not perfect and i have flaws too. Sa aming tatlo ako ang kulelat sa schoo...