Sa Kwarto ni Astig

40 0 0
                                    

Kaye's POV>>>

Sakit ng ulo ko, at medyo masakit din lalamunan ko.. Napasubra yata pagkanta ko kagabi.

Pero pano ako napunta sa bahay? Sino ba nag hatid sakin? Kinuha ba ko ni kuya? Ahh basta ang importante naka uwi nako..

Maka hilamos nanga.. Haisstt.. Yung Boy Ngangang yun swerte nya nahawakan nya mukha ko. Grrrr. Tapos pinaos pa ko, bakit pa kasi lumaban sa kantahan yung unggoy nayun.

"Ahheemm aaahhh~ aaahh~~" medyo paus nga ako ngayun haisst..

Dito din pala natulog si kuya sa kwarto? Siguro napagod yun kakabuhat sakin kagabi.

"Kuya, gising na! Kuya!.." Ginising ko sya, tinanggal ko yung kumot na binalot nya..

"Kuy-aaaaahhhahhhhahhhahhhh!" Pero ibang tao yung nakita kong natutulog sa higaagn ko..

"Si-sinoka? A-anong ginagawa mo dito sa kwarto? Ma-may gi-ginawa kaba sakin? Gago kaa!" Napaisip ako ng isang malaswang pangyayari.

Mangiyakngiyak nako.. Tinatadyak tadyakan ko sya sinusuntok suntok, tinatapakan at pinapalo ng kung anumang mahawakan. Kulang pa 'to sa ginawa mo sakin.

"Dapat kang mamatay....!"  hahampasin ko na sana sya ng upuan pero napigilan ako.

"Teka! Bakit ako nandito? Nasa kwarto mo ba ko? Ma-may nangyari ba satin kagabi?" Tanong nya, parang wala ding alam sa mga pangyayari.

"Gago ka nagmamalinis ka pa! Papatayin kita!" Hinampas ko sya ng upoan pero naka ilag sya.

"O galing kong umilag no? Mga 1meter kasi layu mo mula sakin tapos mula sa hinahawakan mo hanggang sadulo ng upoan merong 60cm tapos kukurba pa yung katawan mo at lalapit kapa ng isang hakbang kaya ang range mo nasa 1.3meter. Umatras lang ako ng 0.5 meter kaya yun di mo ko natamaan, galing ko di ba?" nag paliwanag pa kung bakit nakailag ang gago.

"Gago ka nagawa mo pang mag compute..!"

Napatigil ako...

'Tok, tok, tok' "Bunso may nang yayari ba dyan? Buksan mo nga tong pintuan"

Si Kuya, anong gagawin ko? May lalaki dito sa kwarto, baka ano nanaman sasabihin nun pag nakita itong lintik na unggoy nato.

San ba tinatago yung mga lalaki sa mga pinikula kapag may ganitong iksena? Kung itatapon ko kaya sya sa bintana?

"Bunso? Buksan mo nga tongpinto! Kung di mo bubuksan ako na yung magbubukas"

Secretly it's a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon