Exercise

26 0 0
                                    

Kaye's POV>>>

5:00am tamang tama to para mag jogging. Makabihis na nga.. Haisst sumakit katawan ko kahapon ahh.. Napalaban pa, pero na impress talaga ako kay Boy Nganga magaling sya para sa baguhan tapos pogi din sya tignan kapag di natatakot, yung palaban kung baga.

Anu nanaman ba tong iniisip ko.. Makapag warm up nanga.. Pero di rin naman sya masamang kasama. OK narin yun parang kinakailangan ko na talagang maging close sa kanya para matapos natung pinuproblema ko.

Krinnng krinnng! Cellphone ko nag ring. Unknown caller? Ang.aga-aga may tumatawag? Sinu kaya to?..

"Hello?"

"Uie pakner!" Shock na shock ako ng narinig ko boses ni Boy Nganga sa kabilang linya.

"Boy Nganga? Jay? Ang aga mo atang napatawag?" Tanong ko..

"Parang shock na shock ka ah, muntikan pang mahulog cp mo.. Ganun na ba ka nakakatakot boses ko sa cellphone? Nandito ako sa labas ng gate nyo nakatingin sayu"

"Huh? Anu?"

"Lumabas kana dyan mag jogging na tayu"

Wala nakong ginawang iba binaba ko nalang ang cellphone at lumabas sa gate. Kalmado kong binuksan ang gate at nag enhale exhale ako tapos....

"Gago ka! Bakit mo nalang lagi akong ginugulat? Anu kaba multo? o baka stalker kita panu kong nakita nanaman tayu ni kuya anu nanaman gagawin sa'tin nun dinadamay mo pako.. At tyaka kay aga-aga pinapainit mo ulo ko!! Grrrrr"

"Tapos kana bang magalit tara jogging na tayu!" Hinila nya ko at nahila nya rin ang headphone ng cp ko at nadala ang cp tapos natapon sa tubig.

"Pakner sorry! Eto na oh pupulutin kuna"

Nag timpi ako pero di ko mapigilan kamay ko

"Boy Nganga babatukan talaga kita"

"Sorry naahhh" tapos tumakbo sya. Hinabol ko sya.

Bilis nyang tumakbo pero alam kong maaabotan ko sya.. Paikot ikot kami sa mga bahay ng subdivision hanggang nakita nya ang gate ng subdivision inakyat nya to para maka labas..

"Pakner hulihin mo ko nandito cp mo oh..  Patingin nga nang inbox pakita kong sinu palagi ang katxt"

Secretly it's a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon