Basketball

28 0 0
                                    

Jay's POV>>>

Ganda talaga ng boses nya tapos namangha pa'ko nung humawak na sya ng guitara. Music lover talaga ang babaeng to.

Pero may umaabala talaga sa isipan ko..

Tanungin nyo ako kung ano.

Ano?

Di ko alam eh.. Pero isa lang alam ko di ko pakakawalan ang babaeng to kahit mabugbug man. Promise ipako man ang kamay ng katabi ko sa cross.

Magkasama kami ngayun ni Miss Astig. Biruin mo di ko pala alam name nya, yung totoong name nya.. Tskk dumidiskarte tapos di pala alam ang name ng pinag dediskartehan.

Iniisip ko tuloy dami ko pang di alam sa kanya tapos marami padin syang di alam sa pagkatao nya mahirap to. Pero di bale sabay naman kaming tutuklas sa pagkatao nya basta sa akin lang ngayun poprotektahan ko sya mag babago nako di na ako magiging duwag.

"Miss Astig" tinawag ko sya. Pero di sya lumingon

"Uie Miss Astig?"tinawag ko uli sya pero deadma parin.

"Pakner!" Tinawag ko sya sabay hawak sa balikat nya tapos....

"Araay!" Knock down.. Referee surrender na ko.

"Bakit mo naman ako ginanun? Sakit kaya nun" angal ko.

"Wag mo kasi akong hahawakan"

"Di bale na basta't mula sa araw nato ako na personal bodyguard mo" tapos taas nuong tiningnan sya.

"Nagpapatawa kaba? Di mo nga makayang protektahan sarili mo ako pa kaya?" Patawang sagot ni Miss Astig.

"Di bale nang ako ang mabugbug di lang ikaw.. At kahit na madurog boto ko poprotektahan kita" tapos may sumigaw sa kaliwa ko.

"Uie Jay saluhin mu to" isang bola paparating deretso sakin madali lang ilagan to.

At yun nailagan ko nga tapos anong kasunod? Si Miss Astig ang natamaan ng bola.. Nilapitan nanaman nya ako at kinwelyohan.

"Boy Nganga bat mo inilagan? Ako tuloy tung natamaan. Takte ka talaga akala ko sincere ka sa sinabi mo kanina.. Grrrrr!"

Naku mas uminit ata ulo ni Miss Astig. Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Sorry pakner teka gaganti tayu" binitawan nya ko patapon tapos kinuha ko ang bola at tinapon ko pabalik sa taong nag bato.

"Walang sinuman ang makakapanakit sa pakner ko"

Nasalo nya ang bola at binalik nya sakin ng malakas. Halos madala katawan ko sa subrang lakas ng pag hagis nya.

Secretly it's a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon