Happy CaNYon's day

10 0 0
                                    

ZzZzZz tulog na tulog si Jay. Nang nag ring cp nya.

Krinnng  . krinngg

Hinanap nya cp nya at sinagot ang tawag habang nakapikit.

"Hello good morning this is St. Peter's Funeral services. What can we do for you" sumasagot habang nakapikit at parang tulog parin.

"Ewan ko sayo Jay. Pasinsya na naabala ko pa pag tulog mo kunin mo muna tong cp. Nasa labas ako ng bahay nyo." Sabi ni Kaye sa kabilang linya na parang bumubulong.

"OK sige hintayin mo nalang ako dyan" Lumabas sa kwarto si Jay bumaba sa hagdanan at lumabas sa bahay na medyo nakapikit na naka boxer at naka sando. Binuksan nya rin ang gate sa labas.

"Hello Kaye" kumakaway habang kaharap si Kaye.

"Yaks mo Jay ang bastos mo" sinabi ni Kaye habang ibinabaling ang tingin sa kahit saan.

"Bakit?" At nagulat nalang si Jay nang nakita nyang naka boxer lang sya.

" ahh s-sorry .. Akin na ang cellphone  dali. " hiningi ni Jay ang cp habang nakatago sa likod ng gate.

" oh eto na! alis na ko bye" at umalis nga si Kaye sumakay sa pajero ng kuya nya. Sumisilip pa din si Jay at nakita nya ang kuya ni Kaye na naka thumbs up.

"Kakahiya naman nun. Pero OK lang walang malisya magkaibigan lang naman kami. Makatulog na nga lang ulit. Teka anung oras na ba? 3:10am pa pala pwede pakong matulog nito.

"3:30am na d parin ako makatulog! Bakit ko ba iniisip yun, ang bastos ko talaga di ko man lang napansin naparang hubot hubad akong nakaharap sa kanya yun panga naman yung pinakapangit kong boxer tapos yung sando korin napupunit na sa tagal huhuhu awkward nun ahh kakahiya.." galit na bulong sa sarili ni Jay.

Lumipas narin ang alas kwatro, alas singko, hanggang nag umaga hindi parin sya nakatulog.

"Kambiiinng! Nasan yung cp ko!" Sigaw ni auntie sa labas ng kwarto.

"Eto napo auntie!" Bumangon si Jay na bigat na bigat sa katawan binuksan ang pinto at..

"Waaahhh aaahhh! Frankenstein!" Sigaw ni auntie Canyon. Gulat na gulat sa mukha ni Jay.

"OA mo auntie ako lang to! Eto na po yung cp mo!"

"Haaayy akala ko kung sino na.. Laki naman kasi ng eyebags mo. Halatang kulang ka sa tulog. Ma ligo kana malapit ng mag simula klase mo,tyaka yung pagakain tinakpan ko nalang baka lumamig yun. In love kana kasi yan tuloy di kana nakatulog tssk" tumalikod na si auntie Canyon habang si Jay parang lasing na nag lalakad patungong bathroom.

"Teka si auntie ba yung kausap ko? Ang ganda ata ng mood nya ngayun ahh"

Tumaas ng tumaas ang araw at marami ng nangyayari hanggang nag uwian na sa hapon ang mga teachers.

Kriinnngg kriinnngg

Tunog ng alarm ng cellphone ni auntie Canyon.

"Reminder meeting with Mr. Abad  and Pres. Lim at the office. 4:00pm. Alarm time 3:30"

Canyon's POV>>

May meeting pala ngayun? Tyaka napakababa na ng araw 3:30 pa pala?

Pumunta ako sa office, nadaanan ko mga students ko sa Music at wala kahit na sinong may alam na birth day ko. Mabuti narin yun di ko gustong maraming tao ang nakakaalam sa birth day ko.

Papaakyat na ko sa 3rd floor ng school ng nasulobong ko si Kenjie Roma.. Bumilis ata tibok ng puso ko. Si Kenjie? Manliligaw ko yan nuon hanggang ngayun pero napapansin ko ilang linggo ko narin syang hindi nakikita at lumalapit sakin. Siguro sumusuko na sya.

Secretly it's a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon