Painfull Time

23 0 0
                                    

3rd Person's POV>>>

Nakatitig lang si Jay habang di mapakali si Kaye kung pano nya sisimulan ang pag kukwento.

"Ahh, ehh, ganito kasi yan.. Ahhmm.."At napatigil si Kaye nang hinawakan kamay nya ni Jay.

"Sa ganitong paraan mo sabihin Kaye.. Sabihin mo na.. 'Nagsimula ang lahat noong'.." Parang tinuturuan lang ni Jay si Kaye na magsalita, at ginaya naman ni Kaye.

"Nagsimula ang lahat noong.." Napatigil nanaman sya at inalis ang kamay nya sa lamesa. Habang naghihintay lang ng continuation si Jay.

"Haisst sabihin mo na Kaye pinapatagal mo pa ang usapan eh" aporadong pagsabi ni Jay.

"Oo eto na, 7 years old ako nung namatay ang ina ko. 13 years old naman ako nung namatay ang ama ko. Nahulog ang sinasakyan naming bus sa bayang kinalakihan namin nuon. Isa ako sa mga biktima pati rin ang kuya ko lahat kami'y na rescue, nasa listahan kami ng sugatan pero 5 hours pang nakakaraan pumanaw na ang aking ama at inampon nalang din kami ng Tito ko ang kapatid ng aking ama" Napatigil nanaman si Kaye sa pagsasalita yumuko at ginawang mas malumanay pa ang boses.

"Dinala kami sa pinakamalapit na hospital, wala akong masyadong injuries nun mga pasa lang sa balikat at binti dahil prinotektahan ako ng ama at kuya ko niyakap nila ako habang nahuhulog ang bus sa bangin. Pero sila naman to ang may masmaraming sugat at pasa. May sugat sa tagiliran at na disconnect ang boto ni kuya sa kanang balikat, habang si ama naumpog ang ulo, nabali ang kanang paa at nag karuon ng malalim na sugat sa likod. Alalang alala ako nun, nasabi ko nga sa sarili ko bakit pa nila ako prenotiktahan sana iniligtas nalang nila sarili nila. Sana hindi ganun kalala ang natamo nilang sugat at sakit. Nasabi ko sa sarili ko, sana di nalang sila dumalo sa Tennis tournament na sinalihan ko, sana hindi nalang nila ako inampon kong ampon lang naman talaga ako.. Sana ako nalang ang nag aagaw buhay kong ako lang naman ang magdadala ng kamalasan sa buhay nila."  Nag iba ang tinig at tembre nang boses ni Kaye parang malapit na syang umiyak. Habang si Jay nanatili lang sa pakikinig. Inayus ni Kaye ang pagkakaupo nya at taas nuong nagpatuloy sa pag kukwento.

"Nabalitaan ng Tito ko ang nangyari pinuntahan kami sa hospital, narinig ko ang pag uusap nila sa doctor kinailangan na maabunuhan ng dugo si ama at si kuya sa lalong madaling panahon. Tumulong ako sa paghahanap ng donators ng dugo type A+ si ama at O+ naman si Kuya, tinawagan namin ang lahat ng kamag anak namin hanggang makakita kami ng donators. Papunta narin daw sila sa hospital pero dapat magmadali dahil kinakailangan nang maabunuhan si kuya at si ama sa lalong madaling panahon. Nag presenta ako, pinilit ko si Tito na hayaan akong mag donate nang dugo pati narin ang doctor. Hanggang napapayag ko sila. Inexamine muna nila ang dugo ko tiningnan din ang kalagayan ng katawan ko kong meron ba akong sakit. Ilang minuto lang nakuha nanamin ang resulta wala akong kahit na anong sakit pero ang dugo ko Type AB matapang na dugong Type AB. Nasabi ko rin sa nurse na type A+ din nanay ko. Napatigil ang nurse at napatanong. Kung A+ ang ina pati rin ang ama ko panong naging Type AB ang dugo ko." Uminom muna ng tubig si Kaye at pinagpatuloy ang kwento.

"Sa mga oras nayun maslalong gumulo ang isip ko 7years old ako nung namatay si ina sa sakit na cancer, kami ang nag alaga sa kanya at alam ko at palagi kong naririnig na Type A+ si ina at ganun din si ama. Sa tagal ng panahon kong alam yun sa panahong iyon ko palang napagtanto na kapag Type A ang parihong dugo ng magulang na nag silang sayo maaring magiging dugo mo ay.." At sumingit si Jay. Dahil parang naguguluhan narin sya. Dahil binase nya ang lahat ng narinig nya sa mga nakikita at nalalaman nya.

"Type O at A lang, imposebleng maging anak ka nila, tama di ba?" Tumango si Kaye at yumuko.

"Naguguluhan kasi ako. Ipaliwanag mo nga kong bakit ko narinig na dun na muna yung kuya mo matutulog sa bahay ng mommy mo nung nakaraang linggo nung una ko pang nakilala kuya mo? Pati rin yung pagkakapariho ng apelyedo ng tatay mo at kuya mo pero yung apelyedo molang ang naiiba. Nakita ko sa kusina nyo habang kinakain ko ang mga prutas sa reff. Nakadikit sa reff. ang pangalang Kenjie Roma, Kaye Valdez at Dennis Roma tatlo lang ang pangalan dun, malamang di mo yun ama si Dennis dahil kong ama mo yun sana nilagay nyo rin yung pangalan ng ina nyo dun, malamang si Dennis ang sinasabi mong nag ampon sa inyo na kapatid ng ama mo" Napa titig ng mabuti si Jay kay Kaye.

Secretly it's a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon