Sa wakas, nakatulog na rin si Josh. Pinagmamasdan niya ito na mahimbing ng nakatulog yakap yakap ang favorite teddy bear nito. Sa wakas time for me naman. Alam niya nakaalis na ang Tita Menchit niya kanina pa. Wala na rin sina Sir Gerald, ay Gerald na lang pala , sa isip isip niya. Sinabihan nga pala siya kanina na Gerald na lang itawag niya sa kanya.
Mukha naman siyang mabait. Nakakailang lang minsan , laging nakatitig, hinde ko alam kung galit or may ginawa akong mali. Gwapo kung tutuusin. Mababait din mga kaibigan niya. Napangiti ang dalaga ng maalala si Paolo. Nakakatuwa siya, very friendly at gwapo din gaya ng amo niya pero mas aprroachable si Paolo , lagi pang nakangiti .
Pumunta na siya sa kwarto niya ng makasigurong ayos na ang alaga. Magkatabi lang sila ng kwarto ni Josh. May monitor siya sa room kaya malalaman niya kung magigising ito. Nag umpisa na rin niyang ayusin ang mga gamit niya. Nag unpack muna siya. Inilagay sa side table niya ang picture nila ni Ryan . Tinitigan ang picture at ikinuwento ang nangyari sa kanya ng maghapon na yun. Hinalikan at sinabing , I miss you sweetheart but thank goodness tinanggap niya trabaho dahil nalilibang siya kay Josh.
mantala nakarating na sina Gerald sa party. Ang date niya that day ay si Ruffa Mae. Isa ito sa main lead ng bagomg teleserya produce niya fof GMA. Isa itong sitcom comedy. Seksing seksi si Ruffa Mae sa suot nito halos lumuwa ang dibdib sa suot na damit. Pati sina Jalal at Ali ay hindi mapigilang mapatitig sa dibdib ng comedy actress pero sa halip na ma offend ay mukhang proud na proud pa ito na nararamdamang ang mga tao ay nakatitig sa dibdib niya.
Si Gerald naman na kahit nakikihalubilo sa ibang mga guests ay nasa iba ang iniiisip. Naka kay Asher. Bakit ? Ano ginawa ng dalaga sa kanya? Gosh, this is insane!! Parang naririnig niya ang tawa ni Asher habang nakikipaglaro kay Josh sa pool. At kanina after marinig niya ang kwento ni Ate Menchit kung bakit gusto muna niyang lumayo sa Canada, nagsisikip ang dibdib niya sa awa and at the same time, parang nag seselos siya sa pumanaw ng fiance nito.
Nag excuse si Gerald sa kausap at sumimpleng tinawagan si Asher. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, gusto lang niyang marinig ang boses nito.
Nagulat pa si Asher ng marinig ang phone na nag ring. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at lalo siyang nagulat ng makitang si Gerald.
“Hello,” nag aatubiling bati ni Asher.
“ Hi Asher, just want to say good night to Josh, hindi na kasi kami nagkita bago kami nakaalis. Did everything go alright?” Tanong ni Gerald kahit alam na alam na niya ang sagot. “Hindi ka ba niya pinahirapan bago natulog?
“Hindi naman , we play puzzled for a bit , then read a story till he fall sleep. He likes books.”
“Yes he does. So you think you can stay longer than 3 months?” Nagulat din si Gerald sa sariling tanong niya.
Hindi nakasagot agad si Asher. Hindi niya inaasahan ang tanong ng bagong employer.