Chapter 11

8.7K 96 37
                                    

Naiwan si Gerald na nag iisip pa rin kung ano ang dapat niyang gawin. Wala sa loob na pumasok sa kwarto niya kung saan natutulog pa si Ruffa Mae. Nasa shower na siya ng maramdaman niyang bumukas ang banyo at bago pa niya na realize na hindi niya na ilock ang pinto ay nakapasok na si Ruffa Mae. Ang balak ni Gerald na pag sha shower ng madalian ay nauwi sa oras. Nakalimutan na ni Gerald na may naghihintay sa kanya for breakfast.

Tapos ng mag almusal ang apat ay wala pa rin sina Gerald at Ruffa Mae. HIndi na nila kailangang pag usapan pa kung bakit. Alam na nila ang dahilan. Nag decide na lang si Asher na siya na lang magdadala kay Josh sa Disneyland. Ayaw namang pumayag nina Ali at Jalal na sila lang dalawa ni Josh ang pumunta.

Nag decide na lang sila na i text na lang si Gerald na tumuloy na sila sa Disney at kung gusto nilang sumunod ni Ruffa Mae ay i text na lang sila at magkita kita na lang sila duon. Pinaki usapan ni Asher si Jalal na pakikuha na lang yung bag na inihanda niya sa kwarto nila ni Josh para mas madali.

"Darling , hindi ka ba nagugutom?" Order ka naman ng makakain natin." Bulong ni Ruffa Mae kay Gerald . Napabalikwas si Gerald. Napamura ito at napahawak sa mukha. Tumayo at hinanap ang cell phone. May ilang siyang miss call from Jalal at text messages.

Dali daling tinawagan si Jalal at tinanong kung ano ang sabi ni Asher "Wala naman Ge, nung hindi kayo bumaba for breakfast , mga ten naiinip na si Josh kaya yun nag decide na si Asher na sila na lang ni Josh ang pumunta., Syempre hindi kami pumayag kaya sinamahan na namin. "

"Walang ibang sinabi? Hindi ba galit or anything?"

"Wala naman siyang sinasabi against you, basta sabi lang niya para hindi ka naman mag aalala , text ka namin para malaman mo kung nasaan at ano balak niyang gawin." Andito na kami at ayun nag eenjoy naman sila ni Josh. Nag uumpisa na silang sumakay sa mga rides. Susunod ba kayo?" Tanong ni Jalal.

" HIndi ko alam parang wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya." Pag amin ni Gerald.

"Sayang Ge, perfect na sana siya para sainyo ni Josh pero sa nangyari ngayong araw na ito, hindi lang zero ang chance mo mukhag negative pa.Sabagay sabi nga pag hindi ukol hindi bubukol. "

"Hindi mo man lang ba nakitaan ng lungkot or galit?"

"Wala Bro, normal lang ang boses at masaya naman. Ayun nga oh masaya silang nagbibiruan ni Ali.Enjoy na enjoy naman yung isa, napagkamalan kasi sila nung isang intsik na mag anak. Ang saya naman daw nilang magpamilya. Tawa ng tawa si Asher kasi nag bla blush si Ali. Kung hindi ako nagkakamali may crush si Ali kay Asher." Natatawang sabi ni Jalal.

Matagal na hindi kumibo si Gerald. "So ok lang kayo ? Kahit hindi na kami sumunod?"

"Oo , ok lang kami. Napagkasunduan na namin na pag napagod na si Josh at nakatulog sa stroller duon naman kami sasakay sa mga rides. Salitan kami para siyang magbantay kay Josh." Masayang sinabi ni Jalal kay Gerald ang napag usapan nila para makapag enjoy din daw silang tatlo sa mga rides.

Ng marinig naman ni Ruffa Mae na nasa Disneyland sina Jalal ay sinabing sumunod daw sila. Hindi nito tinigilan si Gerald hanggang umuoo na rin yung isa.

Nag text uli ito kay Jalal at sinabing susunod din sila ni Ruffa Mae. Sinabi naman ni Jalal kina Asher na susunod nga sina Gerald.

"There you go Josh, Tito Gerald will be here soon too." HInahanap din kasi ni Josh si Gerald. Pinagmamasdan ni Jalal si Asher kung may makikita itong kakaibang reactions pero wala siyang makita. It's either magaling lang magtago si Asher ng tunay na nararamdaman or ok lang talaga sa kanya na makakasama nila si Gerald kasama ang ibang babae.

Hindi lang alam nila Ali at Jalal na parang kinukurot ang puso ni Asher lalo na ng hindi sumipot sa breakfast sina Gerald pero hinding hindi niya ipapakita na nasasaktan siya. Ipapakita niya na bale wala sa kanya makita man niyang may kasamang ibang babae si Gerald. Iniisip niya kung ano ang magandang dahilan para pagdating nung dalawa ay siya naman ang uuwi para maitago ang sakit na nararamdaman.

Ikaw ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon