That night sa kwarto nila, napansin ni Gerald na tahimik si Asher.
"May problema ba? Tahimik ka , mula pa kanina. Kinakabahan naman ako saiyo niyan." Tinabihan si Asher na nakahiga na sa bed .
"Overwhelmed lang siguro Babe.
"Too much happenings these last few days. I feel so tired." Sagot ni Asher na yumakap at ipinatong ang mukha sa dibdib ni Gerald.
Hinalikan ni Gerald ang buhok ng kasintahan , " medyo kinabahan ako , kala ko nagsisi kang pumayag pakasal sa akin.
Hindi kumibo si Asher. Nagdududa man siya sa naging desisyon niya , there is no point letting him know that now . Mahal naman niya talaga ang binata. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ito lalong lalo na kung siya ang magiging dahilan. She knows she is in a difficult and tricky situation ganoon din si Gerald. Parang mali ang timing ng engagement nila.
"Sweetheart, tell me you are not regretting saying yes." May kabang tanong ni Gerald.
"Hindi naman , naisip ko lang parang wrong timing naman yata. Hindi pa nga tapos yung issue nyo ni Ruffa Mae."
"Gusto ko lang talagang makasiguro that we are okay kahit na may issue about Ruffa Mae. Aaminin ko, natatakot akong iwanan at layuan mo dahil sa panibagong kapalpakan ko."
"Hindi ko rin maintindihan sarili ko bakit minahal kita agad. Sabi ng isip ko, you are trouble, dapat layuan na kita hanggang maaga pero pag nandiyan ka na , ang hirap hirap mong pahindian."
"Tama ako sa hinala kong hinihintay mo lang na makaalis ako di ba? Pagbalik ko, wala ka na, kung hindi ko ipinilit na isama ka sa Thailand bukas."
Hindi sinagot ni Asher si Gerald. Lalo lang nitong niyakap ang binata. Ipinikit ang mata. Hindi nagtagal at nakatulog na ito.
" I love you so much." Naibulong na lang ni Gerald.
Nagising si Asher na masama ang pakiramdam. Walang wala siyang ganang bumangon. Bigla na lang hindi niya gusto ang amoy ni Gerald. Nagulat pa si Gerald ng biglang bumangon ang dalaga at nagtatakbo sa bathroom .
Napatakbo ding sumunod si Gerald pero ni lock ni Asher ang pinto.
"What is wrong? Okay ka lang ba sweetheart?" Nag aalalang tanong ni Gerald.
Hindi siya masagot ni Asher dahil nagsusuka na itong maigi. Pinipilit ni Gerald na buksan ang pinto pero sinabihan siya ni Asher to go away.
Hindi makapaniwala si Gerald sa narinig. Never niyang narinig ang dalagang nagsalita in a rude manner. Ano nagawa niya at parang inis na inis ang dalaga sa kanya.
"Please open the door sweetheart. Ano ba nangyayari saiyo. "
"Just go away please, I am not going to open the door, you are making me sick. Just go away."
"What have I done? Open the door, talk to me. Let me help you."
"No , please go, please" Nagmamakaawang sabi ni Asher. Naririnig ni Gerald na nag duduwal ito.
"If you don't go , I am not going to talk to you forever."
Walang nagawa si Gerald kung hindi lumabas ng kwarto nila, nagtataka man at nag iisip kung ano ang nagawa niyang kasalanan at ganoon na lang ang galit at inis sa kanya ni Asher.
"Mukhang masama ang gising mo iho, bakit ba? Gusto mo kape?" Tanong ni Tita Menchit na takang taka sa itsura ni Gerald. Pambihira kasi niyang makita ang binatang bumababa ng naka pajama at hindi pa nakapag shower .
"Si Asher kasi Tita bigla na lang nagalit sa akin. Anduon sa banyo nagkukulong. Umiiyak pa yata. Mukhang nagsusuka pa. Sinabihan pa akong umalis daw ako , and making her sick. Wala naman akong maisip na ginawa. Nagising nga lang ako ng bigla na lang tumayo. Nagulat pa ako. Ayaw naman akong papasukin sa banyo."