Chapter 18

8.9K 112 55
                                    



Maaga ngang nagising sina Asherat Tita Menchit.Gusto nilang makita ang pagsikat ng araw habang naglalakad sa beach. Nagulat pa sila dahil gising na rin si Paolo at hinihintay na silang mag breakfast.

"Good morning, Wow , hindi ko ini expect na gising ka na and look at the breakfast. Daig pa ang hotel sa pagkakaayos ah." Bumeso ito kay Paolo.

Bumeso din si Paolo kay Tita Menchit. "Hindi ako ang nagluto at nag ayos pero its my way of saying na thank you Tita for always making time for me pag pumupunta ako kina Gerald."

"Naku hijo, mabait ka naman kasi saka yun nga alam kong kaya nanduon para masilayan mo man lang ang isa sa mga bosses ko. " Nagbibirong sabi naman ni Tita Menchit

"Kayo nga Tita ang parang nanay namin nina Gerald, Ali, Jalal at Val. Mas gusto pa namin luto ninyo kesa kumain sa labas."

"Asus , nambola pa. Maiba ako, Asher, anong oras ba dating nina Gerald?" Baling nito kay Asherna sarap na sarap sa amoy ng kape.

"Alam ko Tita first flight out sila kaya baka mamaya lang andito na mga yun. Gaano ba kalayo ang property nila dito sa bahay mo?" Tanong ni Asherkay Paolo.

"Pangatlong bahay mula dito, yung isa sa pinakamalaki, bale kasi sa kanila yan ng sister niya kaya mas malaki ang binili nila para kahit magpaparty sila ,may space. Madalas mga bisita nila diyan mga business associates nila from abroad."

"Paolo ha, huwag kang paiintimidate kay Gerald. Hayaan mo siyang magselos at the same time , titingnan natin kung mapagseselos natin si Val. Kailangan pala makausap ko din yung dalawa , sina Ali at Jalal para ko malaman if Val is really seeing someone gaya ng kutob mo. "

"Ano gagawin mo?"

"Basta leave it to us, kami na ni Ate Menchit bahala, just go with the flow at pag nanduon na sa moment, kailangan masabi mong siya talaga ang mahal mo ha. Ready ka ba duon?"

Naiiling si Paolo pero excited siya. Gusto na rin talaga niyang malaman ni Val ang tunay na nararamdaman para dito..

"Ok , ready na ako."

"Pa reserve ka ng intimate dinner for two tonight ha please kung hindi matuloy ang plano namin, tayong dalawa mag di dinner pero pag hindi ako ang dumating , bahala ka na sa mga susunod na pangyayari."

Halos yakapin ni Paolo ang dalaga sa tuwa. "Thanks Sars."

Samantala, pasakay na sa ferry ang grupo ni Gerald. Ang aga ng flight nila. Napaka swerte nila at hindi grumpy ang bata. Hindi iyakin. Mas grumpy pa ang Tito Gerald niya na halos hindi yata nakatulog dahil sa sinabi ni Ashersa kanya na starting Monday ang binigay nitong two weeks notice na binigay sa kanya sa phone.

Hindi pa niya sinasabi kay Val dahil sigurado siyang magagalit ito sa kanya at siya ang sisisihin sa naging desisyon ni Asherna mag quit as yaya ni Josh.

Pagkadating na pagkadating nila ay gusto na sana agad puntahan ni Gerald si Asherpero inisip nito na baka tulog pa at kahit paano ay nahihiya din siya kay Paolo na ganoon siya kaagang makikita duon, isa pa baka lalong mainis sa kanya si Asher.

Wala siyang kamalay malay na nakaalis na ang dalawa for their morning adventure. Naiwan si Tita Menchit na balak maglakad lang along the beach ,mag relax with her favorite book to read.

Pabalik na si Tita Menchit from her walk ng magkita sila ni Gerald na papunta naman sa rest house ni Paolo. Nagkagulatan sila nuong una pero masayang nagbatian.

"Good morning Gerald! Andito na pala kayo. Anong oras kayo dumating?" Sunod sunod na tanong ni Tita Menchit kay Gerald na gumagala ang mata. Tinitingnan kung kasunod ba nito sina Asherat Paolo.

Ikaw ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon