Akala ko Ikaw na

12 1 0
                                    

'Di ko napansin na lumalayo ka na sa 'kin

Wala akong kamalay-malay


Masaya naman tayo diba, babe? Punong puno tayo nang kulitan at mga kalokohan. Naalala mo ba yung ginawa nating pag iipon ng dahon ng ipil-ipil? Tapos bigla nating pinaghahagis sa isa't-isa, nakakatuwa para tayong mga bata sa mga pagkakataong iyon. Tapos yung pag abot mo ng kamay ko kapag bigla akong nagtatampo habang nagdadrive ka? Tapos yung kalokohan mong pag halik saakin habang nagdadrive ka muntikan na tayong madisgrasiya nun. 


Bigla mong binanggit na kailangan mo munang umalis
Dahil gulong-gulo sa buhay


Isang araw nagtaka ako sa bigla mong pagbabago para kang nanlalamig, hindi pala parang nanlalamig ka talaga. Lagi mo nalang sinasabing busy sa mga gawain niyo. Minsan pa'y siansabi mong wala ka lang sa mood makipagchat, ngunit nakikita kitang online at angshashare pa ng post sa Facebook. Pinalampas ko lahat ng rason mo.


At dahan-dahang nawalan ng kulay ang aking mundo
At kay bilis ng iyong paglisan ba't nagkaganito


Hindi ako sanay sa set up natin netong mga nakaraang linggo ni hindi mo manlang ako magreet ng "Good morning" kahit mas nauuna kang nagigising saakin. Bakit mo ba kasi ako sinanay sa mga bagay na di mo pala kayang panindigan? Nahihirapan ako.


Sa'n ba nagsimula ang guloAkala ko ay ikaw na'ng binigay
Akala ko ikaw na
Akala ko hindi na sasablay

Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung saan ba ako nagkulang? Kung may nagawa ba akong mali. Kasi okay na okay naman tayo ahh. Diba pinaki-usapan mo pa ako nun? Ang sabi mo, "Wag mo akong iiwan ah" Pero bakit tayo nagkakaganto ngayon? Bat parang hinihintay mo nalang na ako na yung kusang bumitaw saatin?


'Di ko napansin nawalan ka na ng gana sa 'tin
Ako ba ang naging problema
Ano bang nagawa, bakit ba nagbago ang pagtingin
Sana'y pinag-usapan muna
'Di ba't nandito naman tayo para sa isa't-isa


Dati pag may problema tayo nasusulosiyonan natin agad. Bat ngayon parang kaniya-kaniyang buhay na? Di kana excited makita ako, samantalang dati lagi mo akong kinukulit para lang pumayag na makipagkita sayo. Binibisista mo pa kahit di ko sabihin. Bakit ka nagbago, babe? Bakit parang nanlamig ka saakin, saatin?


Ngayon ay dahan-dahang nawalan ng kulay ang ating mundo
At kay bilis naglaho ng mga pangakong nanggaling sa'yo
Na habang buhay ikaw at ako


Naalala mo pa ba yung mga pagkakataong pinag uusapan natin yung ikaw at ako na magkasama sa future? Sabi mo sawa kanang paiba-iba yung babae? Sabi mo ako na yung gusto mong makasama habang buhay? Sabi mo di ka magsasawa saakin? Asan na yung mga pangako mo babe?


Kung gustong umalis, walang magagawa
Huling hiling ko lang ay huwag akong kalilimutan
Kung gustong umalis walang magagawa
Kung gustong umalis, walang magagawa
Huling hiling ko lang ay huwag akong kalilimutan
Kung gustong umalis walang magagawa



Masakit man saaking damdamin ang bumitaw sayo. Pero kailangan ko ring mahalin ang sarili ko at ingatan ang pride ko. Masiyado na akong maraming nagawa para ipaglaban pa tayo. Pero nakakapagod din pala noh? Pag yung taong minsang pinaramdam sayo na ikaw ang mundo niya tapos sa isang iglap para ka nalang istrangero kung ika'y kaniyang tratuhin.

-------------------------

Ang istoryang ito ay hango sa kanta niMarion Aunor na Akala, All right to the owner of the song

MGA KLASE NG PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon