Nagising si Jema na puno ng pagtataka. Tumingin siya sa paligid niya at hindi pamilyar ang lugar sakanya. Babangon na sana siya ng bigla nagsalita ang kapatid niya.
"Mama! Si ate gising na"wika ni Mafe
"Ma tawagin ko lang ang doktor"wika naman ni ate Jovi
Nagtataka parin si Jema kung ano bang nangyari at bakit may doktor at panong nasa ospital siya.
"Ma"tanong niya na puno ng pagtataka
"Maam ok na po ang pasyente maari na po siyang lumabas sa linggo. Kailangan po niyang inumin ang mga gamot para patuloy po siyang gumaling"
"Ma! Anong nangyari sakin bat ako nandito?!! Pinasundo ko lang si Mafe kay Deanna"sigaw ko sakanila
"Close kayo ni Deanna?"sarcastic na tanong ni Mafe
"Panaginip lang pala. Pero masaya parin ako."bulong ni Jema sa sarili niya
"Anak makinig ka ha?"wika naman ni Mama
Flashback
Pauwi si Jema sa Laguna wala siyang dalang sasakyan kaya naman nagcommute nalang siya. Nakaupos siya sa dulong bahagi ng bus. Kasalukuyan nilang tinatahak ang expressway ng bigla may mangyaring di inaasahan."Wag kang gagalaw kundi pasasabugin ko utak mo"wika ng isang lalaking katabi niya
"Akin na ang mga ang lahat ng gamit mo" maotoridad na wika ng lalaki habang ang baril ay nakatutok sa tagiliran niya
Ibibigay na sana ni Jema ang bag ng biglang lumapit sakanila ang kondoktor.
"Kuya kung ano man ang binabalak mo hindi yan maganda"
"Tumahimik ka! Tumahimik kayong dalawa kundi pasasabugin ko ang utak ng babaeng to"
Mga sampung katao lang ang laman ng bus at karamihan ng mga ito ay nasa likod.
"Akin na ang bag mo!"maotoridad na wika ng lalaki
"Ito kuya kunin mo na lahat"
Nang naibigay ni Jema ang bag niya ay agad umalis sa upuan ang lalaki ngunit hinarang ito ng kondoktor at pilit kinukuha ang bag ni Jema. Nakipagbuno ang lalaki sa kondoktor at nahawakan niya ang kanyang baril. Agad namang napatalikod ang kondoktor habang si Jema tulalang umiiyak sa kinauupuan niya. Sinugod naman ng kondoktor ang driver ng bigla nalang pumutok ang kanyang baril ng bigla nalang nagdilim ang paningin ni Jema"
-----------
"Anak ikaw ang natamaan ng bala. Itong sugat mo sa ulo ang patunay 50/50 ka nung isinugod ka nila dito sa hospital . Alam mo ba anak halos di na ako kumakain dahil sa takot na mawalan na naman ako ng isa pa. Ngunit pinatatag ako ng mga kapatid mo ng tatay mo sabi nila sa akin magiging maayos rin ang lahat. At isang mirakolo nga ang nangyari anak akala namin di ka na mabubuhay dahil sa tama mo ngunit laking taka ng mga doktor dahil nakayanan mo"wika ni nanay habang lumuluha
"Anak araw-araw kaming nananalangin na sana gumising ka na, na sana huwag ka niyang kunin sa amin dahil di na namin kayang mawalan pa ng isa pa"wika ni papa
"Salamat sa Diyos at gising ka na mahal. Sobrang namiss kita araw araw akong dumadalaw sayo nagbabakasakali na gising ka na"
"Fhen"agad akong napatingin sa kinatatayuan niya
"Buti naman at kilala mo ako akala ko nakalimutan mo na ako"malungkot na saad ni fhen.
"Ate nandito pala si Deanna"singit naman ni mafe
"Kumusta Jema? Anong nararamdaman mo? Magpalakas ka ha. May laban pa tayo sabi ni mafe sakin nong nagising ka pinasundo mo siya sa akin di ko inexpect na ganun pala tayo kaclose. Lagi mo kasi akong sinusungitan kaya ayan ako na ang naging dahilan para gumising ka. Kumusta ako sa panaginip mo? Papi parin ba ako?"wika ni Deanna
"Alam mo kung bakit ang sungit ko sayo? Kasi ang kapal mo at ang hangin mo. Bagay nga talaga kayo ni Mafe parehong immature"sarcastic kong sagot sakanya
"Grabe ka sa amin ng bestfriend ko ate!"
"Bestfriend ba talaga?"sagot naman ni Papa
"Oo naman,diba Deanns?"sagot ni mafe at tumango nalang si Deanna
![](https://img.wattpad.com/cover/183559888-288-k420462.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana ako nalang
FanfictionDeanna: Mahal kita ngunit takot akong mawala siya Jema: Bakit ikaw pa? Bakit di nalang iba