Chapter 6

4.7K 114 0
                                    

Ngayon ang labas ni Jema sa ospital. Nandun din si Cy dahil nagpresinta ito na ipagdrive nalang sila para less husstle sakanya. Doon muna siya sa apartment niya uuwi kasama ang Mama niya at si Mafe. Ang papa naman niya at ang ate Jovi may trabaho kaya sa Laguna sila didretsiyo.

"Anak dun ka muna sa kwarto at nang makapagpahinga ka. Inutusan ko naman ang kapatid mo na mamalengke at walang laman ang iyong ref"

"Ma, pasensya na po nakaabala pa po tuloy ako sainyo. Kung di lang to nangyari sa akin"

"Wala ka namang kasalanan anak at isa pa ang gusto ko lamang ay nasa maayos kang lagay"

"Salamat ma"

Akmang pupunta sana si Jema sa kwarto nya ng biglang may kumatok sa pintuan nila. Nagulat naman ito dahil sa ingay nila. Agad siyang sinungaban ng mga kateam nya.

"Jema buti nalang wala ka hindi mo naranasan ang mahirap na patraining ni coach Thai"wika ni Pau

"Tommorrow you will be back at training"wika ni ate Ly na agad ko namang ikinagulat

"Captain grabe ka sakin ha. Di pa nga ako totally healed tapos back to training agad"

"Wala kang magagawa thats my order may utang ka ring 100 push ups, 100 round lahat ng warm up plus 100"wika ni ate Ly seryoso namang nakatingin sa kanya ang mga kateam namin

"Coach Thai? Is that you?"sabat naman ni Risa

"Binibiro lang kita Jema, yong reaksyon mo nakakatawa"wika ni ate Ly

"Jem ano palang sabi ng doktor sayo? Kailan ka makakabalik sa training?"

"Kaya ko ng magtraining Jia. Malakas na ako pero sabi ng doktor huwag daw muna ako magtatalon at baka maalog ang utak ko"

"Manuod ka nalang ng training namin total may 2 buwan pa tayo bago sumabak ulit sa laban"wika ni Michelle

"Hoy bata bat ka nandito ha? Wala ba kayong training? Di ka na nahiwalay diyan kay Mafe ha"wika ni Jia habang ginugulo ang buhok ni Deanna

Mukha namang may nalungkot sa sinabi ni Jia bakit ba kasi hindi na naghihiwalay tong dalawang to. Magbestfriend lang ba talaga sila?

"Ate Jia naman eh. Namalengke kasi si mafe ng lulutuin ni tita nagpasama siya sa akin. At isa pa ate wala kayong training kaya wala rin kaming training."

"Anong ibig mong sabihin Deanna diba kakatapos lang ng Uaap ha"takang tanong ko naman

"Ah kasi Jema sumali ang ateneo sa PVL at sabi ni coach next training namin with coolsmashers nagrequest kasi si coach O kay coach Thai na kung pwede magtune up game tayo"

"Aba't parang may mabuting hangin ang napadpad dito sa apartment mo Jema"sarcastic na wika ni Jia

"Ha? Pano mo naman nasabi Jia?"

"Nakakapanibago lang kasi at di ka na masungit kay baby Deanna. Kung nakalimutan mo ipapaalala ko sayo ang nakaraan"

Flashback

Sa tuwing may training ang coolsmashers kasama ang ateneo laging mainit ang dugo ni Jema. Kinaiinisan niya si Deanna, para sa akin mabait naman ang batang yon ngunit di ko naman mawari kong anong nagawang masama ni Deanna kay Jema at kinasusuklaman niya ito

"Jessica Margarett Galanza kung makakapatay lang yang tingin mo malamang patay na kanina pa si Deanna."

"Naku Jia kumukulo ang dugo ko diyan eh"

"Bakit naman? Mabait kaya siya tignan mo si Mafe super close silang dalawa sila tita at tito gustong gusto siya dahil mabait raw siya pati ang ate Jovi mo botong boto sa batang yan eh. Bakit sayo parang may kung anong napakasamang nagawa niya sayo at pag nakikita mo siya'y gusto mo na siyang patayin"

"Nayayabangan kasi ako sakanya. Nakakainis sapagkat lagi nalang siya ang bida pagdating kila Mama lagi siyang pinagtatanggol ni Mafe at Jovi "

"Ibig sabihin nagseselos ka dahil parang siya ang anak at ikaw ang bestfriend? Jem pag nakilala mo ng lubusan si Deanna kakainin mo lang lahat ng sinasabi mo sakanya. Next time bawas bawasan mo ang pagiging mataray este masungit pala. Ay teka wala palang pinagkaiba yun"

----------------

Nagtawanan naman ang lahat pagkatapos magkwento ni Jia. Close kasi silang dalawa, dating setter ng ateneo si Jia at siya rin ang mentor ni Deanna

"Kahit kailan talaga Morado napakadaldal mo. Tinatanong ko lang kong pano mo nasabing may mabuting hangin ang dumaan dito sa bahay"sarcastic kong wika

"Pano kasi kinakausap mo na ang alaga ko. Akala ko nagka amnesia ka"nagtawanan naman ang lahat

Maraming ikwenento sakin ang teammates ko tungkol sa pagpapahirap sakanila ni coach Thai sa training. Double training sila dahil sa akoy malaking kawalan sa team. Hindi sa pagmamayabang marami rin naman akong naambag sa team sa tuwing may laro kami

"Mga anak kumain na tayo tama muna ang kwentuhan

Pagkatapos kumain ay umuwi narin ang mga teammates ko pati narin si Deanna

"Tita salamat po sa padinner sarap niyo po talagang magluto sa uulitin po"pagpaalam ni Deanna

"Nambola ka pa anak, o siya mag ingat kayo sa pagdrive at pag uwi lalo ka na Deanna."

Sana ako nalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon