Prologue

28.2K 333 3
                                    

  MASAYA ang buhay ko noong mga panahon na nabubuhay pa ang mga magulang ko, nakadepende sa kanila ang buhay ko, kaya hindi ko lubos matanggap na sa isang iglap mawawala sila ng sabay sa’kin. Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong gawin, hindi ko alam kung pa'no ko bubuhayin ang sarili ko. Kung hindi dahil sa demolisyong naganap marahil buhay pa ang magulang ko at kasa-kasama ko, pero hindi na dahil sa katotohanang ako nalang ang mag-isa at wala ng patutunguhan pa sa mga panahong nahihirapan ako. Nang mamatay ang mga magulang ko, maraming may gustong kumuha sa'kin, pero tumanggi ako hanggang sa may nagpakilala sa’kin tiyahin ko daw s’ya at pinakita pa ang larawan nila ng mama ko, kaya agad naman akong sumama. Hindi ko inaasahan na ang pagsama ko pala sa kan’ya ang umpisa ng lalo ko pang paghihirap.

I'M SOLD TO A DEVIL  MAFIA BOSS | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon