CHAPTER 1

20.5K 265 14
                                    

MELODY POV

MAHIMBING akong natutulog sa sahig at hindi pinansin ang mga tilaok ng mga manok galing sa kapitbahay namin. Masama kasi ang pakiramdam ko dahil sa mga pinapagawa sa’kin ni tiya kahapon—ni hindi n‘ya manlang ako magawang pagpahingahin, kahit sa pagkain wala rin sa tamang oras. Habang iniinda ko ang sakit, bigla nalang akong napamulat at napabangon dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa mukha ko napasukan pa nga ako sa ilong dahil doon.

“ Ano Melody! Wala kang balak gumising? Mag pipiling donya ka na naman dito sa pamamahay ko? Ha! ” Bulyaw n‘ya sa akin habang hawak ang maliit na batya na sa tingin ko ’yon ang ginamit n‘ya pangbuhos sa‘kin.

“ Tiya? Masama po kasi ang pakiramdam ko… ” Mahina kong sabi habang pigil ang pag iyak.

“ Pwede ba! Melody wag mo akong dramahan d’yan. ki aga-aga iniinit mo ulo ko! ” Bulyaw n‘ya pa sa‘kin.

Eh! Sa masama nga pakiramdam ko eh!

“ Tiya naman? Kahapon pa po ako sunod nang sunod sa mga utos n’yo, kahit ngayon lang po pwede po bang pagpahingahin n’yo ako? Tao din ako hindi ako robot nakakaramdam din po ako ng pagod! ” Sa inis ko sa kan’ya nasabi ko ang hindi ko dapat sabihin.

Lagot na ako….

“ Walanghiya ka! ” Galit nyang sabi at tela nabingi ako sa binigay nyang malakas na sampal sa’kin, kaya naman ngayon sapo ko na ang kanang pisngi ko at naiiyak na.

“ T-tiya? ” Mangiyak ngiyak kung sabi sa kanya. Sunod naman akong nasampal sa kanan at mas malakas pa ’yon sa nauna.

“ Lumalaban kana sa’kin ngayon Melody ha! Bakit? Kaya munang buhayin ang sarili mo? Tandaan mo ’to, kung hindi dahil sa’kin malamang hanggang ngayon sa kalsada ka nakatira at namamalimos. Pasalamat ka pa nga at pinatira kita dito kaya malaki ang utang na loob mo sa’kin! ” Sinimulan na nyang duro durin ako ng kanyang daliri sa noo.  “ Wag mo akong iyak-iyakan d’yan Melody kundi lalo kang malilintikan sa’kin! ”

Simula pa bata ako at nasa poder nila naging ganito nalang palagi ang takbo ng buhay ko, ang maging yaya sa kanilang tatlo. Dahil patay na si tiyo ang kapatid ng mama ko na asawa n’ya na s’yang pumipigil sa kanya kapag ginaganito n’ya ang trato sa’kin

“ Ma ano!? Matagal pa ba ’yan? Nagugutom na kaya ako! ” Pagmamaktol ni Maya ang pangalawa n’yang anak na mana din sa kanya sa sobrang sama ng ugali.

“ Sandali lang princess ito kasing babae na ’to nagda drama pa na masama daw ang pakiramdam! ” Sabi ni tiya habang masama ang tingin sa’kin.

Nagtaas ito ng kilay at masama ang matang ipinukol sa’kin. “ Ano ba ’yan! Masama lang pala eh! Akala mo naman mamamatay na. ”

“ Ano bang ingay ’yan? Ang aga-aga nagising tuloy ako! ” Sabi naman ni Aron paglabas ng kwarto n’ya.

May tatlong kwarto, bawat kwarto ay sa kanila tanging ako lang ang walang kwarto kasi dito ako sa sala natutulog simula pa nong medyo maliit ako.

“ Pa’no kasi kuya nag-iinarte ’yong isa d’yan na masama raw pakiramdam. Akala mo naman ikamamatay n’ya. ” Pananaray ni Maya sa’kin.

Umingos si Aron. “ Sus! ’yon lang? Akala ko naman malala na. Ipagluto muna nga lang ako ng makakain. Nagugutom ako. ”

Isa pa s’ya! Nakakagago lang ang magpamilyang ’to, wagas kung pahirapan ako.

“ Narinig mo ang sinabi ng mga anak ko ha Melody? Nagugutom na sila kaya simulan munang magluto. Kung maaga ka lang sanang nagising eh di sana kumakain na kami ngayon diba! ” Sabi ni tiya. Wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo kahit na ang totoo hindi ko kayang tumayo dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Sana pala namatay na lang din ako.

Habang nagluluto ako para sa tatlong demonyo na ’yon, hindi ko mapigilang umiyak ng tahimik. Ang sakit-sakit lang isipin na hindi ka nila tinuturing na kamag-anak sa halip tinuring pa nila akong katulong dito sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung pa’no ako nakatagal sa mga pag-uugali nilang mala demonyo sa sama.

Pagkatapos kung magluto agad ko itong inihain sa maliit naming mesa at do’n nakaupo na sila at hinihintay nalang ang pagkain na niluto ko. Sarap na sarap sila sa buhay nila samantalang ako ito at hirap na hirap.

“ Bilisan muna, ang bagal bagal! ” Inis na sabi ni Maya kaya nagmadali na ako sa paglatag ng pagkain, buti nalang talaga nakisama sa’kin ang panlasa ko kaya kahit papa’no may nalalasahan ako habang nagluluto. Mahirap na baka kasi maibuhos sa’kin ang pagkain na niluto ko.

Binalingan ako ng tingin ni tiya. “ Ano pang ginagawa mo d’yan? ”

“ Po? ” Tanging naisagot ko.

Tiningnan ako ni Maya ng nakataas ang kanyang isang kilay. “ Melody wag ka ngang tanga!. Kumakain kami baka naman gusto mong umalis? ”

Bweset ’tong ibon na ’to putulan ko ’to nang pakpak eh!.

“ Narinig mo ’yon? Umalis ka na sa harap namin. Linisin mo nalang ang kwarto namin, gusto ko malinis na malinis. ” Singit ni tiya bago sila bumalik sa pagkain.

“ Opo Tiya. ” Tipid kung sagot.

Umalis ako sa harapan nila para sundin ang utos ni Tiya. Agad kung kinuha ang walis tambo, saka daspan at sinimulan ang pagwawalis sa bawat kwarto nila.

“ Mommy aalis pala ako kasama ng mga friends ko. Hindi ko alam kung what time ako uuwi. ” Rinig kung sabi ni Maya kay Tiya. Kahit nasa kwarto n’ya ako at nagwawalis rinig ko parin ang pinag-uusapan nila mula rito, hindi naman kasi malayo ito mula sa kusina.

“ Ganon ba princess? Sige ayos lang sa’kin. Aalis din naman ako kasama ang mga kaibigan ko dahil hahanap kami ng raket para magkapera pa tayo. ” Rinig kung sagot ni Tiya.

“ Ikaw kuya anong balak mo today?. Sabado naman ngayon at walang pasok. ” Si Aron naman ngayon ang sunod nyang tinanong.

“ Siguro pupunta nalang ako sa court para makipaglaro ng basketball sa mga tropa ko...’yon lang. ” Sabi ni Aron.

Melody Smith ang aking pangalan, 19 yrs/o. Kahit na isa akong FilAm, ay baliwala rin kung pareho namang nawala ang magulang ko. High school lang ang natapos ko sabi kasi ni Tiya, hindi na daw n’ya kaya ang pag-aralin ako. Kahit na gano’n ka demonyo ugali n’ya nagpapasalamat parin ako dahil pinag-aral n’ya ako kahit na labag sa kalooban n’ya.

Nang matapos na akong maglinis ng bahay, sunod ko namang ginawa ay kumain ng masigurong parehong nakaalis ang tatlo bago ako maghugas ng plato. Gan’to palagi ang ginagawa ko, mauuna silang kakain habang ako maglilinis ng bahay at kapag tapos na sila saka lang din ako makakakain. Grabe damang dama ko ang pagmamahal nila sa’kin, kaya kahit na kumakain ako hindi ko parin maiwasang maiyak sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Ngayon na wala sila dito malaya kung maipapahinga ang sama ng pakiramdam ko.

I'M SOLD TO A DEVIL  MAFIA BOSS | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon