GONG NABI'S POV 

Habang dala-dala ko ang aking laptop, pumunta ako sa café sa harap ng school. Maaga pinadismiss yung klase today. 

Nilapag ko muna yung gamit ko at nagorder ng mabilis bago dumami ang tao. Umupo ako malapit sa counter para hindi na mahirap kunin yung pagkain ko at hindi na maiiwan yung gamit ko.

Binuksan ko na yung laptop ko at naglog in sa account ko. 

Nagsulat ako ng pwedeng itweet kaninang free time, cause why not diba? 

ONG SEONGWOO'S POV

Pumasok kami sa café na nasa tapat lang ng gate. Tumigil kami sa harap ng counter at nakatingala sa menu. 

"Iced Americano para sa akin, hyung" bilin ko kay Jisung hyung. 

Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung baka may classmate akong matatanungan kung ano yung mga homework namin. 

May nakapukaw ng aking atensyon.

May babaeng nakatalikod sa amin at nagtytype sa laptop niya. Tinignan ko yung username... @feelinghugotera.

Siya! Siya pala ah! 

Nagtytype siya ng bagong patama sa akin. Hinintay ko ang tweet niya at ni-like ito agad. Kitang-kita mula dito sa likod yung gulat niya. 

"Niel, tignan mo yung babae. Yung username ah, wag yung mukha" bulong ko kay Daniel na nasa harap ko lang. 

"Oh? Anong meron?" sagot niya. Ito talaga, hindi nga niya binasa.

"Siya yung tag nang tag sa akin ng hugot!" 

"Oo nga noh! Tara, hyung! Kausapin natin!" aya niya at naglakad na palapit na sa kanya. 

"Teka, sasama ako baka kung anong masabi niyo sa babae" sabi ni Minhyun.

Tumigil kami sa likod niya.

"So, nice meeting you Miss feeling hugotera" bati ko at tinaasan ng kilay.

Nagulat siya at lumingon sa amin. 

"Nabi?"

Hugot ┇ ↜Ong Seongwoo↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon