GONG NABI'S POV 

Kinakabahan ako dahil first of all, dalawa lang kaming mag-uusap tapos second, kung ano man yung rason ng pakikipagkita niya sa akin. 

Dumiretso ako sa garden sa likod ng building. Nandun na siya, naghihintay sa akin. Sana all, charot mga beshywaps.

Mukha siyang seryoso, it's scary and unlikely for a guy like him.

Tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad palayo.

"Nabi" tawag ni Seongwoo, tumigil ako at narinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa akin "tatakas ka pa ah." 

Humarap ako sa kanya na may seryosong mukha, "hindi ako tatakas. Ano ba yang proposal mo?"

"Tapatin mo nga muna ako. Hindi ako magagalit sa kung ano man isasagot mo" tumigil siya ng ilang sandali "bakit mo ba ako laging pinapatamaan?" Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita. 

"Ano nga, Nabi? Bakit?" tanong niya at mas lumapit sa akin hanggang sa tumama ang likod ko sa pader ng gusali. Nagtama ang mga mata namin. 

"Dahil alam kong broken ka rin" sagot ko ng mahina.

"Rin? Ikaw din ba?"

"Oo."

Inalis ko ang atensyon ko sa kanya at binaling ito sa mga bulaklak. 

"So... sakto lang yung proposal ko pala. Paano kung ganito na lang, magtulungan tayo mag move on pero no romantic feelings involved. Sige, tamaan mo lang ako sa twitter kung yan man ang makakatulong sa'yo."

"Paano ako tutulong sa'yo?"

"Simple. Be my constant kausap or kasama."

May ilang segundong katahimikan na namagitan sa amin.

"Is it a deal, Nabi?"

Tinignan ko lamang ang kamay niyang nakalahad sa akin.

"Fine, deal."

At nakipagkamay kami sa isa't isa.

Gulo lang yung pinasok ko.

Hugot ┇ ↜Ong Seongwoo↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon