ONG SEONGWOO'S POV

"Nabi?" tanong ni Daniel "Ikaw pala yun??"

"Kilala mo siya, Daniel?" tanong ko. Aba, kilala ko lahat ng kaibigan niya pero bakit ito hindi ko kilala? 

"Ah, oo" sabi niya sabay kamot sa batok. Alam niya kasi na kilala ko lahat ng kaibigan niya. 

Umubo si 'Nabi' at naalala ko kung bakit nga pala kami lumapit. 

"So... Nabi... ikaw si feeling hugotera? Or may iba pa ang gumagamit ng account na yan?" tanong ko.

Dali-dali niyang sinara ang laptop at humarap sa amin. 

"Do you mind if we sit down?" tanong sa kanya ni Minhyun, kahit kailan gentleman ito.

"Ay, umupo muna kayo" aya niya. Tumabi sa kanya si Daniel habang katabi ko si Minhyun sa tapat nila. 

Nanaig yun katahimikan hanggang sa patago akong sinipa ni Daniel sa ilalim ng mesa. Tumingin ako sa kanya tapos minouth niya ang mga salitang "dalian mo na, hyung".

"Nabi" tawag ko sa kanya na malamig pa rin ang boses ko at siniko ako ni Minhyun. "Gusto ko lang malaman kung bakit ka nangtritrip sa akin?" 

Iniwas niya yung mga mata niya at huminga ng malalim tapos binalik ulit sa akin.

"Eh, kung sa bitter lang din ako at alam kong may bagong couple na nagbreak. Nadamay ka lang diyan sa kalokohan ko. Sorry."

Muling nanaig ang katahimikan. 

"Okay lang yun, Nabi" wala akong ibang maisip na sabihin "I guess we can be friends now?" 

Tumango siya at ngumiti. 

"Friends then."

Nilahad niya ang kamay niya at nakipagkamay ako. 

"Mauuna na kami, Nabi. Hinihintay kami ng iba naming mga kaibigan" paalam ni Minhyun at ngumiti.

Tumayo kami at naglakad papunta sa table namin na nasa second floor ng café. 

"Grabe kayo ha. Ang hilig niyong maniko at manipa! Ano ako human punching bag?" 

Tumawa lang sila at umupo kasama ang iba pang Wanna One members. 

Hugot ┇ ↜Ong Seongwoo↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon