GONG NABI'S POV

Dumating ako ng mas maaga kesa kay Seongwoo at umupo sa isang bench na nakaharap ng school namin. 

Tinignan ko ang langit na unti-unting dumidilim at dinamdam ang paglamig ng hangin ng paparating na gabi. 

Dumagdag ito sa kaba ko, hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ako na baka magalit ba siya sa akin. 

Paano kung layuan niya ako?

Hindi ata kakayanin ng puso ko na mawalan ng isa pang tao sa buhay ko.

Hindi ko namalayang may tumabi sa akin hanggang sa pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Nabi, ang lalim ata ng iniisip mo?" tumingin lang ako sa kanya, nakatingin pala siya sa akin. "Bakit gusto mong makipag kita? Is there a problem? Hindi ba kakayanin ng net yung sasabihin mo?"

Umiling naman ako.

"Sasabihin ko na lahat-lahat" tumango lamang siya.

"Sige, take your time. Don't pressure yourself into it" at tsaka ngumiti.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung nakakabobo yung sasabihin ko o nakakagago but either way I think its a bad thing. Tinignan ko na lang ang langit. 

"Yung boyfriend ko, he was a prankster. Mahilig sa mga laro-laro. One day sabi niya, 'why not pag tripan natin yung si Ong Seongwoo dahil kakagaling lang 'nun sa break up, madali yang masaktan'. At first, ayaw ko. Masakit na nga eh, bakit ko pa dadagdagan? Pero ewan ko ba at binanta niya na makikipag break sa akin, I don't want to lose him kaya sinakyan ko ang trip niya."

Tinignan ko siya ng saglit at nakita kong nakatingala lang din siya sa langit. Bumalik ako sa pagkwekwento.

"Biglaan na lang siya nakipag break sa akin when I was starting this whole prank thing. I was devastated kaya ata mas lumala yung mga hugot ko sa'yo. Little did I know, may girlfriend na pala siya all this time at pinaglaruan lang ako. Guess what? Ex-girlfriend mo ang girlfriend niya ngayon. I don't know what else to say. I feel so stupid. I'm sorry, Seongwoo."

Bumalot sa amin ang katahimikan ng dapit hapon at naramdaman ko ang nag-uunahang mga luha na nahulog sa aking mga pisngi.

"Hey, don't cry. Wala ka naman kasalanan ah" sabi ni Seongwoo habang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki "sadyang minahal mo lang talaga. I get it, I understand. Now look at me."

Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mukha at hinarap ito sa kanya. Naka tupi ang kanyang mga tenga.

"Ano ang uunahin ko?"

"Left" nag pop up ang kaliwang tenga na sinundan din ng kanan. Tumawa ako ng marahan sa kanyang mga ginawa.

"Wag ka na malungkot ha? We can get over this. Kaya natin ito, we got each other anyways. Do youhave anything else to say?"

"I think I like you" bulong ko.

"I think, ano?"

"I think I'm tired now" linakasan ko ang aking boses.

"Ah ganun ba? Libre na kitang ice cream tapos ihahatid na kita sa inyo."

Hugot ┇ ↜Ong Seongwoo↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon