Sa mahinang ihip ng hangin, ramdam ko ang lamig na dumadaloy sa aking katawan. Tanging isang ilaw lamang ang nakasindi, sapat na liwanag na bigay upang maisulat ko ito na hanggang sa mga oras na ito ay gulong gulo pa rin ang aking isipan. Hindi man lang maiayos ang aking pagsulat dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo ngunit ayokong mabasa ang aking dyornal. Hindi ako nagwagi at nabasa nga itong aking isinusulat sa mismong pahinang ito.
Mahirap tanggapin na kailangan ko nang bumitaw sa damdamin kong kay tagal ko ng pinanghahawakan at kay tagal kong hindi iwinaksi. Sa napakahabang oras ay hindi ko man lang naisip na bumitaw kahit pa napakaraming dahilan ang iyong ibinigay upang patahanin na ang aking damdamin. Umaasa akong ikaw ang gagalaw, ikaw ang mauuna ngunit ikaw naman itong unang bumitaw.
Mukhang may mali? Oo nga pala, ako ang unang bumitaw. Mula sa mga alaala ko ay nakita kong noong isang araw ay nakatagpo ko ang iyong matalik na kaibigan na siyang nagsalaysay sa akin ng iyong mva gawain sa inyong silid na siyang ikinalungkot ko kaya naman hindi ko na nagawang maitago pa ang kalungkutan at pagdududa ko sa iyo. Pagdududa na kung saan gusto ko ng bumitaw sa damdamin ko ngunit hindi ko ginawa dahil patuloy akong umasa.
Ang daming tanong sa aking isipan ngunit di ko na nabigyang kasagutan ito. Marahil, ang kagustuhan ko nalamang ngayon ay ang makalimutan ang masalimuot na mga pangyayaring nangyari sa akin mula sa unang apat na buwan ng taong 2019.
Mula sa araw na ito, Abril 9, 2019, umaasa akong hindi na ako muling aasa sa'yo. Umaasa akong makakalimutan na kita at magpakailanma'y di magtatanim ng sama ng loob sa'yo at sa iyong ginawang pananakit sa akin.

YOU ARE READING
To My Random Thoughts
РазноеTo My Random Thoughts This is a book written to express one's feelings and thoughts. Teaching you that in this cruel world, words are used as weapons. Experienced a life wherein I'm not in control of my own mind. You can have the most random thought...