Alexus POV
Si Jana Dela Cruz, unang kita ko palang sa kanya, napatunayan ko na ang love at first sight. Napakaganda niya. At dahil, sa maganda sya, di maiiwasang ang dami kong kalaban sa kanya. Isa na dun si James Castillo. Gwapo ako, matalino, package kumbaga, natalo padin niya ako dahil girls tend to fall on bad jerks. Iniisip nilang magbabago ito para sa kanila. Eh hindi naman. Nasasaktan tuloy sila. Kung sa simula palang, pinipili na nila ang good guy, marahil hindi na sila dadaan sa napakapait na break-up.
Sa kalagitnaan ng pagmomove-on ko, iniwan ng loko si Jana. At ang rason? "Wala na akong time sayo". Lumapit sa akin si Jana para makipagkaibigan uli. Sino ba naman ako para tumanggi, eh mahal ko pa naman sya. Tinulungan ko syang magmove on. Ginawa ko lahat para ako na lang ang mahalin niya. Saka ko sya niligawan. At ngayon, pakiramdam ko naman, mahal na ako ni Jana. Sana nga, mahal na niya ako..
3 days nalang birthday na niya, ngayon palang naghahanda na ako ng mga surprises.
Mahilig yun sa surprise eh. Humingi ako ng tulong sa kaibigan niya, para ilagay itong bulaklak sa kwarto niya.
Jana POV
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko ang roses sa kama ko. Binasa ko ang nakasulat sa card.
"Two things I want, falling in love with you, the only thing I want to do, staying in love till forever is the other." - Your Alexus
Sobra akong natouch, lalo akong nahuhulog sa kanya. Desidido na ako, 3 days nalang, sasagutin ko na sya. Sobra na ang mga effort niya para mapatunayan ang pagmamahal niya sa akin. Tinawagan ko si Alexus
"Baby, nagustuhan mo ba ang roses?"
"Oo, ang ganda.. Thank you Alexus."
"Thank you lang? Walang I love you?"
"Thank you muna ngaun.haha"
"Sige na nga, di na kita pipilitin. Sige, pahinga ka na. Sweet dreams."
"Sweet dreams, sleep tight, Thank you Alexus."
Pagkatapos namin magka-usap, hindi pa kami natulog, naging textmate pa kami magdamag. Natulog akong may ngiti sa labi, habang iniisip ko si Alexus.
