Jana POV
Nagkabalikan kami ni James, dapat masaya na ako. Pero parang may kulang sa akin, may hinahanap ako. Yung good morning text ni Alexus. Yung good night text niya na nakakapagpatanggal ng worries ng buong maghapon. Yung Alexus na minahal ako, pero binalewala ko lang. Nagkabalikan kami ni James, na buong akala ko sya pa din ang mahal ko. Akala ko sasaya na kami pero, narealize ko hindi ko na pala mahal si James. Matagal ko na syang hindi mahal, saka ko lang naamin sa sarili ko ngayong wala na si Alexus. Totoo nga ang sinasabi nila, "You will never know the worth of a person, unless they gone." Siguro karma ko na ito, matapos ang pagta-take for granted ko sa lahat ng effort ng isang Alexus. Ngayon ko lang narealize, kung kelan huli na ang lahat.
Nasaktan ko si Alexus. Binalewala ko sya. Tinake-for-granted ko ang pagmamahal niya. Pinakawalan ko ang lalaking handang ibigay ang mundo niya sa akin. Pinakawalan ko ang chance kung saan pwede kong maranasan ang happy ending. Mas pinili ko pang bumalik sa taong iniwan ako. Mas pinili ko pang talikuran ang taong nanjan lalo na oras na kailangan ko ng kadamay. Napakalaki kong tanga.
Alam kong masaya na si Alexus ngayon kay Jane. At karma ko na ito, akin na, pinakawalan ko pa. Isang napakamaling desisyon. Hindi ko man lang nasabing mahal ko sya. Hindi ko man lang naparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.
Kaya kayo, kung may Alexus na kayo sa buhay nio, wag niyo ng pakawalan pa..
This is my poignant regret. This is my agony.
Hindi ko man lang nasabing sya na ang laman ng puso ko. Hindi ko man lang naparamdam. Hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahal niya. Ngayon, masaya na siya sa iba. At ako, katulad ng dati, durog na naman, kaibahan lang, wala ng Alexus na tutulong sa aking mabuo muli.
Totoo nga, There is no greater agony than bearing an untold story inside you..