Sa pag simula ng umaga ko,
Ikaw lagi nasa isip ko,
Sa halimuyak ng bawat bulaklak,
Presensiya mo'y aking hinahanap.---
Sa bawat gawai'y ikaw ang inspirasyon,
Sinta'y lagi kang nasa aking isip,
Iniisip na darating ang araw na tayo'y magkikitang muli,
Kaya aking hinihiling sa itaas, na tayo'y pagtagpuin sa tamang panahon.
---
Binibini ko, ika'y napakarikit
Hindi lang sa panlabas, kundi sa panloob,
Hindi lang masipag, matalino't mabait.
Ikaw sinta'y kaakit akit.
---
Sa bawat dalangin, nababanggit ka,
Hinihiling na ika'y makita,
Sa bawat oras, nasa isip ka,
Sinta, nasan kana ba? Hinihintay kita.
---
Sa paglubog ng araw, kasabay ng paglitaw ng buwan,
Mga bituin sa kalangitan, napakagandang pagmasdan,
Sa pagbagsak ng bulalakaw mula sa kalawakan,
Hiling ko'y ikaw ay aking mahagkan.
---
Sa pagtatapos ng araw ko, lahat ng ginawa ko'y para sa iyo,
Ikaw ang inspirasyon hanggang sa pagtulog ko,
Panaginip ay maligaya dahil sayo,
Binibini ko, naway dumating kana.
---
Nasan kana ba? Bakit pagdating mo'y napakatagal,
Ilang taon na ang hinintay at nagpapagal,
Sa mga oras na lumilipas, hinahanap hanap kita,
Akikg binibini, nasan kana ba?
BINABASA MO ANG
Poem Poem
PoesiaPoems about many topics. You Can suggest topics, just comments. enjoy!