CHAPTER 1

50 2 0
                                    

“First day of class, late ka?” –Marion

“Si papa kasi hindi ako pinaalis ng bahay hanggang hindi pa tapos yung niluluto nyang lunch para sa akin.” –Joan

“Hay naku si Mang Ernie talaga, pero buti na lang kasi wala akong baon na lunch. Kaya hati tayo dyan!” –Marion

“Kayo ‘tong may karinderia, ikaw ang walang lunch? If I know meron ka naman talagang baon ayaw mo lang dalhin!!” -Joan

“Masisira kasi ang image ko kapag nakita nila na may dala akong lunch box ano? Alam mo naman na gwapo ang bestfriend mo diba?” -Marion

“Tsk. Yabang. Oo na, alam ni papa na hahatian mo ako kaya marami talaga ‘to.” –Joan

Joan’s POV

Ito ang first day namin sa Eastern Academy of Business. Wow ang lalaki ng buildings at ang gaganda pa. No wonder sikat na sikat ‘to. Hay, dream come true para sa akin ang makapag- aral dito. Buti na lang at kami ni Marion ang natanggap na iskolar dito.

Marion’s POV

Hay naku halatang nababano na naman ‘tong si Joan. Nakanganga pa, kulang na lang tumulo laway neto eh.

“Hoy! Ano ka ba isara mo nga yang bibig mo.” –Marion

“Ano kaba, ang dumi kaya ng kamay mo!” –Joan

Joan’s POV

Para sa ‘kin ang sweet talaga pag nagkukulitan kami ni Marion. Hahaha. Kelan kaya nya marerelialize na ako ang mahal nya? Teka?! Bakit ba ganito ang iniisip ko? Tigil Joan! Tigil!

“Oh, bakit ikaw naman ang nakanganga dyan?” –Joan

“Ang ganda nya.” –Marion

“Sino?” –Joan

“Oo nga nuh.” –Joan

“Oh wag mong sabihin na gusto mo rin sya.” –Marion

“Gago! Hindi ako tomboy noh.” –Joan (Sabay batok kay Marion.)

Marion’s POV

Siya na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Sya na ang gusto kong itira sa aking palasyo. Oo tama! Sya na nga! Teka?! Dapat kong malaman ang pangalan nya.

“Hoy Marion! San ka pupunta?!” –Joan

“Susundan ko ang pangarap ko!” –Marion

“Ano?! Pambihira naman oh. Andito lang kaya ang dapat na pinapangarap mo. Bakit ba hindi mo ko makita? Teka, asan nga pala ang registrar dito?” –Joan

Joan’s POV

Hay salamat! After 30 minutes nakita ko rin ‘tong Registrar’s Office. Ano ba ‘to? Nakakahalata na ko ah. Bakit puro mukhang mga driver at maid ang kumukuha ng schedule dito? Akala ko ba puro mayayaman at sikat ang nag- aaral dito? Ganito na ba ngayon ang usong fashion sense?

LOVE ^ 2 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon