“Hoy! Akala ko ba yung si Julie na kahapon ang pangarap mo? Bakit parang namimili ka na naman ngayon?” –Joan
“Oo si Julie na nga at wala ng iba! Ikaw ang inaalala ko, naghahanap ako ng magiging future boyfriend mo naman. Concern lang ako sa ‘yo bestfriend.” –Marion
“Ano?!” – Joan
“Best tignan mo sila. Ang kakapal ng make ups nila kaya sila mukhang maganda. Eh kung maglagay ka rin kaya ng make up. Buti kong katulad ka ni Julie babes my love ko na kahit walang make up e maganda. Eh kaso hindi, kaya try mong maglagay best.” –Marion
“At nilait pa ko ng mokong na ‘to! Ay feeling mo naman talaga magugustuhan ka ng Julie babes my love mo? Sigurado ako na naka kotse sya nuh! Eh ikaw nakabisekleta ka lang kaya?!” –Joan
“Best ikaw na rin ang nagsabi na hindi kina- classify sa ganun ang tao diba? Kaya wag mo nga akong kinukontra, chill lang Joan Ruiz pwede?” –Marion
Joan’s POV
Ayan malapit na rin kami sa gate ng Eastern Academy sa wakas. Grabe ang daming kotse. Bawat isang estudyante dito may kotse. Ayan lumabas na naman ang pagiging bano ko, tuloy may kotse na muntik na akong masagasaan.
“Joan tabi!!” –Marion
“Ahhhh!!” –Joan
“Grabe muntik ka na dun ah.” –Marion
“Oo nga eh! At ang bastos na may ari ng kotse hindi manlang lumabas para magsorry!” –Joan
Joan’s POV
Ang hinayupak na ‘to lumabas ka kaya dyan para masapak kita. Muntik na kong mamatay dun ha!! Bumukas yung bintana sa passengers seat. Nag sorry sya pero parang wala lang yung nangyari, na parang kahit nasagasaan ako eh wala rin syang pakialam. Sobra talaga ang mayayaman ngayon!! Pag nagkaron ako ng kotse humanda ka!!
“Ang gwapo nya. Artista ba sya?” –Marion
“At ikaw pa talaga ang natulala sa kanya nuh? Malay ko sa mokong na ‘yon?! At wala akong pakialam!” –Joan
“Pwede na sya Joan!!!!” –Marion
“Para san?” –Joan
“Para maging boyfriend mo.” –Marion
“Siraaaa ka talaga!!!” –Joan
Joan’s POV
Nabubwisit talaga ako sa kanya sa twing gusto nya akong mag kaboyfriend. Ibig sabihin lang nun ayaw nya talaga sa akin.
“Mamayang 10:30 ang first class natin. Dyan ka na nga!” –Joan
“Joan san ka pupunta?!” –Marion
“Hahanapin ko sya, magpapakilala ako!!” –Joan
“Talaga best!? Sige ha goodluck sa ‘yo!!!! Kaya mo ‘yan!!” – Marion
Joan’ s POV
Bobo ka talaga Marion. Kelan mo ba ko mapapansin? Bakit ka ba ganyan?
Marion’s POV
Ako rin, dahil maaga pa, dapat hinahanap ko rin si Julie babes my love. Hindi pwedeng si Joan lang ang my love life dito. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
LOVE ^ 2 (on going)
Teen Fictionyung feeling na gusto mo ang bestfriend mo tapos malalaman mo na ang gusto nya eh ang bestfriend ng may gusto sayo? ang gulo diba? pano na? story ng college bestfriends. go "pfrs"! sana magustuhan nyo. :)) thank you na pala in advance:))