CHAPTER TEN

11 1 0
                                    

Joan’s POV

Nakita ko si Marion, sinundan nya si Julie. Niligtas pa nya mula kila Gellianne. Ngayon ko lang sya nakita na naging matapang sumigaw sa iba. Hindi nya yun ginagawa. Mas gusto nyang patakbuhin muna ako pagtapos sya naman ang tatakbo. Hindi sya sumabay sa akin para lang sundan si Julie? Ano ba ang espesyal sa kanya para magbago si Marion?

Ayoko pang umuwi, ayokong makita ako ni papa na ganito. San kaya pwedeng pumunta?

Denver’s POV

Sya yun. Ano nga bang pangalan nya? Lapitan ko kaya sya?

Teka, sino ba yung mga lalaking lumalapit sa kanya?

“Manong itigil nyo ang sasakyan.” –Denver

“Opo sir.” –driver

“Ah manong, mauna na kayo. May kakausapin lang ako.” –Denver

“Ah sino kayo?” –Joan

“Miss makikipagkilala lang kami.” –guy 1

“Oo nga miss.” –guy 2

“Hay naku naman, pag minamalas ka nga naman oh.” –Julie

“Sige na miss.” –guy 2

“Lasing pa ata ‘tong mga to. Anong gagawin ko? Tatakbo na ko.” –Joan

Joan’s POV

Aray! Bakit ba may nakaharang dito? Isang lalaki. Teka, baka kasamahan sya nila, naku patay corner na ko. Hindi parang nakita ko na ‘tong lalaking ‘to? Oo tama, sya yung muntik na akong masagasaan, ah hindi yung kotse pala nya ang makakasagasa sa akin. At bakit naman kaya nandito ‘to? Baka narinig nya yung sinabi ko sa kanya ah? At ngayon inutusan nya ‘tong mga mamang ‘to para gantihan ako? Ah~ hanggang dito ba naman sa labas ng school may nambubully sa ‘kin? Anong gagawin ko?

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami. Hindi naman pala sya kaaway.

“Dito dali.” –Denver

“Sandali, wala na ata sila. Tumigil na tayo, pagod na ako.” –Joan

“Oo wala na sila.” –Denver

“Ikaw yung lalaki na nasa kotse diba? Bakit mo ‘ko tinulungan ha?” –Joan

“Konsenya ko pa kung may mabasa akong babaeng ni-rape at nachop- chop diba. Mahilig pa naman akong magbasa ng dyaryo.” –Denver

“Re- rape? Chop- chop?” –Joan

“Oo, sigurado akong ganun gagawin nila sa ‘yo.” –Denver

“Salamat ha, buti nalang pala dumating ka.” –Joan

LOVE ^ 2 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon