Julie’s POV
Niyakap ako ni Denver. Simula ng lumaki na kami ngayon na lang uli nya ako niyakap. Noong maliliit pa kami sa tuwing umiiyak sya sa akin palagi sya tumatakbo at niyayakap ako. Mas matanda ako ng 5 months kay Denver, kaya ako ang palaging nagpapayo sa kanya. Feeling nya pag ginawa nya yun hindi na mag aaway ang parents nya. Ngayon, ako na ang umiiyak at sya na ang nagko- comfort sa akin.
Marion’s POV
Nasaan kaya si Julie babes my love ko? Dapat makita ko sya para makapagpasalamat ako.
“Marion! Halikana umuwi na tayo.” –Joan
“Mauna kana, may pupuntahan pa kasi ako eh. Mag ingat ka ha, baka mamaya nandyan lang sa tabi- tabi sila Gellianne.” –Marion
“Lokong ‘to, tinakot pa ‘ko. Akala mo naman matatakot ako!” –Joan
“Sige, basta ingat ka!” –Marion
Julie’s POV
Sila Geillianne yun ah. Hanggang dito ba naman sa bookstore sinusundan nila ako.
“Ouch. Ano ba ang problema mo ha Gellianne?” –Julie
“Ikaw ang problema ko Julie. Ngayon alam ko na, alam mo palang ako ang president ng haters mo. Hindi na ako magpapakaplastic na batiin ka araw- araw. Masyado kang sikat sa EAB dahil matalino ka, sosyal at masungit. Akala ng mga fans mo yun ang batayan ng pagiging sikat?! Kaya naman may ilan parin na baliw na sumasali sa fans club mo. Masyado ka ring malapit kay Denver. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi nya ako napapansin. Kaya kung mawawala ka sa EAB ako na ang magiging pinakamalapit na babae kay Denver.” –Gellianne
“And what makes you think na aalis ako sa EAB?” –Julie
“Dahan- dahan ka dahil wala tayo sa school premises, I can do whatever I want dahil pantay na tayo.” –Gellianne
“Huh? Gellianne, ang aso kahit tanggalan mo ng kadena aso parin. Kaya wag mo ngang masabi- sabi na pantay na tayo, dahil prinsesa parin ako at aso ka pa rin.” –Julie
“Friend tinawag ka rin nyang aso. Diba tinawag ka ring aso ni Joan?” –Bernadette
“Tumahimik ka nga dyan, bobo.” –Gellianne
“Naalala ko lang naman eh.” –Bernadette
Julie’s POV
Sasampalin sana ako ni Gellianne. Biglang may lalaki na pumigil sa kanya. Sino ba ‘to? Nakikialam sa amin. Kayang- kaya ko naman sila Gellianne.
“Huwag mo ngang mahipo- hipo ang babes my love ko. Napakarumi ng kamay mo para hawakan ang pisngi ng mahal ko.” –Marion
“Mahal?! Babes?! At sino ka naman?” –Julie
“Huh? Ikaw yung kasama ni Joan ah. Talaga bang ugali mong umeksena?” –Gellianne
“Ano? Hindi ah. Sinasabi ko lang naman na wag mong hahawakan ang babes ko.” –Marion
“Babes? Eh sira pa pala ang ulo nito eh.” –Gellianne
“Sinong sira ulo ha?” –Marion
“Eh sino pa ba kundi ikaw.” –Bernadette
Julie’s POV
Nag- usap ang pare- parehong sira ulo. Maka alis na nga, total sila naman na ang nagkakagulo eh.
“Julie babes my love, hintayin mo ako! Teka hindi ba nya ako narinig? Bakit hindi sya tumitigil?” –Marion
“Sino ka ba ha? At wag mo akong tinatawag ng ganun!” –Julie
“Ah? Bakit masyado bang mahaba?” –Marion
“Ano? Sira ka nga.” –Julie
“Teka, wag kang umalis. Binibiro lang naman kita. Para ngumiti ka e.” –Marion
“Hindi ako natatawa kaya pwede ba lumayo ka?!” –Julie
“Teka, gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa ginawa mo kahapon.” –Marion
“Hindi kita kilala at wala akong ginagawa sa ‘yo, kaya lumayo ka!” –Julie
BINABASA MO ANG
LOVE ^ 2 (on going)
Teen Fictionyung feeling na gusto mo ang bestfriend mo tapos malalaman mo na ang gusto nya eh ang bestfriend ng may gusto sayo? ang gulo diba? pano na? story ng college bestfriends. go "pfrs"! sana magustuhan nyo. :)) thank you na pala in advance:))