Joan’s POV
Wow, ang ganda pala talaga ng Julie na ‘to. Lalo na kapag malapit. Pinagtanggol pa nya kami, bakit kaya? Halatang may breeding dahil kahit nagtataray sya sosyal pang dating nya, hindi katulad ng isang ‘to mayaman nga pero may lahing aso. Kung makapang away wagas.
Hay, natulala na lang si Marion kay Julie. Mukang in love nga ata ‘to sa kanya ah.
Marion’s POV
Bakit kaya kami tinulungan ni Julie babes my love ko? Hindi kaya gusto nya rin ako. Hindi lang nya masabi sa akin? Grabe, sobrang ganda nya. Wala akong nasabi ah.
Joan’s POV
Umalis na sya. Hindi manlang ako nakapag pasalamat kay Julie. Kahit hindi nya kami kilala, tinulungan nya parin kami.
Denver’s POV
Ano kaya ang naisip ni Julie at ginawa nya yun? Sinusubukan na ba nyang maging friendly? Nauna pa syang makialam kesa sa akin ah. Ngayon pati si Julie involved na rin. Talagang gusto ko na rin ata talagang sumali ah.
“Julie, bakit mo ginawa yun?” –Denver
“Hindi ko rin alam, bigla ko na lang nasabi.” –Julie
“Ikaw, malihim kana sa bestfriend mo ngayon.” –Denver
BINABASA MO ANG
LOVE ^ 2 (on going)
Teen Fictionyung feeling na gusto mo ang bestfriend mo tapos malalaman mo na ang gusto nya eh ang bestfriend ng may gusto sayo? ang gulo diba? pano na? story ng college bestfriends. go "pfrs"! sana magustuhan nyo. :)) thank you na pala in advance:))