Date Published: April 11, 2019
=============================================================
Taong 54321 ang taong nagbunyi ang ang mga tao dahil sa wakas ay napatay na ang Emeprador o ang hari ng mga Castanic (Demon). Dahil sa pagkamatay ng hari ng mga demonyo ay nanaig ang kapayapaan sa Emperyo ng mga tao. Ngunit hindi ito naging madali sa mga Castanic dahil ang kanilang pinakamamahal na hari patay na. Naniniwala ang mga Castanic na ang kanilang Emperador ay isang mabait at matulongin kung kaya't labis silang nangungulila.Si Emperor Eul ay ang ika-limangpu't apat na Emperador ng Castanic Empire o mas kilala bilang Demon Empire. Siya ang pinakamalakas at pinakabatang Emperador ng mga Demon. Lahat ng mga kalaban niya ang kanyang napapatay sa isang atake lamang. Maraming mga Heroes na ang pinadala ng Emperyo ng mga tao ngunit lahat ito ay namatay sa kamay ni Emperador Eul.
Isang araw na ispan ng Emperador ng mga Tao (Emperor of Mankind) na tumawag ng mga Heroes mula sa ibang daigdig. Sa tulong ng High Priest ng kanilang simbahan ay nagtagumpay sila sa kanilang pagtawag sa kanilang bagong Heroes.
Tinatawag ng mga tao ang apat na ito bilang "Four Saints Heroes". Ang apat na bayaning ito ay meyroong kanya-kanyang sandata. Ang kanilang sandata ay isang Legendary Weapons. Tinawag din ito ng kanilag Simbahan bilang mga Holy Weapons. Ang mga sandatang ito ay pawang may sariling pag-iisip dahil sila ang pipili ng karapatdapat na gumamit sa kanila. Ngunit sa mga nagdaang panahon walang ni isang tao ang nakagamit sa mga sandatang ito hanggang sa dumating na nga ang apat na madirigma mula sa ibang daigdig.
Ang limang ito ay pawang magagaling at malalakas. Sa ilang taon nilang pamamalagi sa mundo ng Cadia ay marami na silang napatay na mga Castanic at kabilang na dito ang pinakamamahal na babae ni Emperador Eul. Dahil sa pagkamatay ng kanyang minamahal ay lubos niyang kinamuhian ang lahi ng mga tao kung kaya't humamon siya ng isang digmaan laban sa mga tao. Inabot ng 333 taon ang digmaan sa pagitan ng mga Castanic (Demon) at Mankind (Human). Sa ika-333 taon ng labanan ay nagtagumay ang mga tao dahil ito ang araw na napatay ng apat na madirigma ang Emperador ng Castanic.
Hindi alam ng mga Castanic kung paano na patay ang kanilang Emperador dahil na nga kadahilanang malamakas ito at walang pang nakakatalo dito. Ngunit ang hindi alam ng mga Castanic ay mayroong mga taksil sa kanilang Emperyo at ito'y walang iba kundi ang kapatid ng kanilang Emperador.
Ang kapatid ni Emperador Eul ay si Duke Uelz ay isang maparaan at maiinggitin. Dahil sa kanyang inggit sa kanyang kapatid ay nakipagtulongan siya sa Hari ng mga tao upang patayin ang kanyang kapatid kapalit ng truno. Dahil sa kanya ay nagtagumpay ang apat na madirigma sa pagpaslang sa kanyang kapatid.
Makalipas ng ilang buwan sa kadahilanang walang Emperador ang mga Castanic ay tinanghal bilang ika-limangpu't limang Emperador ng Castanic Empire si Uelz. Hanggang sa kasalukuyan ay siya parin ang Emperador ng Castanic Empire.
Ang apat na mangdirigma naman ay binigyan ng gantimpala ng Emperador ng mga Tao. Sila'y binigyan ng malawak na lupain at binigyan din sila ng pinakamataas na titolo. Sila ay naging hari ng kanilang sariling kaharian.
Hanggang ngayong kasalukuyan ang Emperyo ng mga Tao ang pinakamalakas na Emperyo sa mundo ng Cadia. Ang Emperyo naman ng Castanic ay lubhang humina at naghirap.
Maraming mga Castanic ang naging slave ng mga tao dahil sa digmaan na iyon. Lahat sila ay gustong maghiganti sa Emperyo ng mga Tao. Ngunit ang mas malubha pa doon ay pinabayaan sila ng kanilang kasalikuyang Emperador kung kaya't parati nilang sinasabi na sana buhay padin ang kanilang pinakamamahal na Emperador na si Emperador Eul.
Ngunit alam nila sa kanilang sarili na hindi na muli maibabalik pa ang dati. Hindi na muli babalik ang mahal nilang Emperador. Pero doon sila nagkakamali dahil bago mamatay si Emperador Eul ay sinabi niya sa apat na madirigma at sa kanyang kapatid na babalik siya upang maghiganti sa kanilang ginawa sa mga Castanic at sa pagpatay sa kaniyang pinakamamahal na babae.
Pinangako din ni Emperador Eul sa kanyang sarili bago siya mamatay na gagawin niya lahat ng kanyang makakaya upang makapaganti kahit alam niyang hindi na niya ito magagawa dahil mamatay niya ngunit kahit ganun sinabi parin niya sa kaniyang sarili na kahit sa ikalawang buhay niya ay isasakatuparan padin niya ang kanyang sinabi at ang kanyang pangako.
At ito ang kasaysayan ng kwentong ito.
==============================================================
I hope na gustoha niyo ang kasaysayan ng kwentong tsaka sana suportahan niyo padin ako sa mga up coming story na gagawin ko at sa mga story ko ngayon.
Vote, Share and Comment lang kayo guys para bumalik ang sipag ni author sa pagsusulat. Also please support all Filipino MMORPG writers.
CoolKidz11 is oooooout! Peace✌🏻
BINABASA MO ANG
Demon Emperor's Reincarnation
FantasySynopsis: The strongest Demon Emperor dies in the hands of the great heroes of the Human Empire. He promised himself that he will get his revenge but unfortunately he reincarnated as a human. Let's follow his journey as he tries to get back his po...