Date Published: April 16, 2019
====================================================================
Si Eul ang pinakamalakas at makapangyarigang Demon Emperor, wala siyang maramdaman na kahit ano habang siyang palutang-lutang sa kawalan. Hindi niya maramdaman ang kanyang katawan o ang mana sa kanyang paligid. Ang kaya lang niyang gawin sa mga oras na ito ay ang mag-isip.
Hindi parin mawala sa kaniyang isip ang nagawang pagtataksil ng kaniyang sariling kapatid. Pero kahit ganun, alam niyang hindi na maibabalik pa ang nangyari na. Hindi rin niya alam kung magagawa pa ba niyang makapaghingati sa kanyang kapatid at lahat ng sangkot sa digmaan sa pagitan ng Castanic at Humankind.
Hindi rin siya makapaniwala na natalo siya ng mga mandirigma na galing sa ibang mundo. Dahil sa dami niyang napatay na madirigma na ipinadala ng Emperyo ng mga tao ay ngayon lang siya nakatikim ng pagkatalo. Ngunit na isip niya na ito na talaga ang kanyang kapalaran, kahit na namatay na siya ay masaya parin siya dahil makakasama na niya ang kanyang pinakamamahal na babae.
At sa mga oras na iyon, Napagdesisyonan ni Emperador Eul na magpahinga na ng tuloyan, ngunit parang merong nakarinig sa kanyang iniisip.
Napansin niya na mayroong liwanag sa bandang unahan niya, ngunit napakalayo nito.
"Ano ba ang liwanag na iyon?" Tanong niya sa kanyang sarili, dahil hindi niya alam kung saan nanggagaling ang liwanag na iyon.
Palaki ng palaki ang liwanag na kanyang nakikita hanggang sa nasilaw siya sa sobrang liwanag nito.
At sa oras na iyon, Si Emperador Eul ay nasa isang kwarto na merong kahoy na dingding. Napansin niya rin nararamdaman niya muli ang kanyang mga kamay at paa.
Ngunit hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya, dahil ang alam niya at patay na siya at palutang-lutang lang sa kawalan, at ngayon ay nasa isa na siyang kwarto na merong kahoy na dingding at nararamdaman niyang muli ang kanyang katawan.
Sinubukan ni Emperador Eul na tumayo ngunit hindi niya ito magawa. Hindi niya din ma amoy ang kanyang paligid. At sa sandaling iyon ay sinibukan naman niyang pakiramdaman ang mana sa kanyang paligid, sa isang Castanic o Demon na tulad niya ay ang elemento ng kadiliman (Element of Darkness) ang tanging elemento na dapat niyang maramdaman.
Ngunit sa sandaling iyon, nararamdaman ni Emperador Eul ang anim na elemento, ang fire, wind, water, earth, darkness, at gayundin ang light. Ito ay bago para sa kaniya, kung kaya't gulat na gulat siya. Ang tanging lahi na alam niyang nakakagamit ng lahat ng elemento ay ang mga tao.
Kahit ang mga elves ay tanging ang elemento ng water, wind at earth ang kaya nilang gamitin. Ang Demon o Castanic naman ay ang elemento ng Darkness lang ang kaya nilang gamitin. Ang Celestial naman ay ang elemento ng light lang ang kaya nilang gamitin, Swordials naman ay hindi nila kayang maramdam ng mana sa paligid at tanging ang lakas ng katawan lang ang kanilang ginagamit.
Sa oras na iyon, Itinaas ni Emperador Eul ang kanyang mga kamay at dun niya napansin na ang kamay niya ay sobrang liit at malambot.
Hindi ito ang kamay ng isang supreme overlord kundi isa itong kamay ng isang baby.
Sinibukan ni Emperador Eul na magsalita ngunit hindi niya ito magawa. Parang hindi pa kaya ng kanyang katawan ang gawin ito.
'Anong nangyayari? Tangina!... Teka ano ito? Bakit hindi ko makontrol ang emosyon ko?... Okay kailangan kong kumalma... Ako si Eul ang pinakamalakas na Emperador ng mga Castanic, namatay ako sa kamay ng mga mandirigma na ipindala ng Emperyo ng mga tao, sa tulong na rin ng aking kapagi at ng mga maharlikang Castanic, sa ilang taon na palutang-lutang lang sa kawalan. Habang inisip ang mga nangyari sakin at ang pagpahinga ng tuloyan isang liwanag ang nakita ko sa madilim na kawalan, at ngayon nasa loob ako ng katawan ng isang mahinang katawan ng isang sangol na tao.'
BINABASA MO ANG
Demon Emperor's Reincarnation
FantasySynopsis: The strongest Demon Emperor dies in the hands of the great heroes of the Human Empire. He promised himself that he will get his revenge but unfortunately he reincarnated as a human. Let's follow his journey as he tries to get back his po...