Date Published: June 20, 2023
====================================================================
Sa isang tahimik at madilim na kagubatan, maririnig ang mga yabag ng dalawang batang tumatakbo. Mapapansin na nagmamadali sila na para bang may tinatakasan sila. Ang dalawang batang ito ay walang iba kundi sina Etran at Calina.
Kanina pa sila tumatakbo papalayo sa kanilang Nayon at bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang lungkot at pagbalisa dahil sa sinapit ng kanilang Nayon sa kamay ng Imperyo ng Lacia. Hindi pa rin sila makapaniwala na sa isang iglap ay mawawala ang kanilang mga kakilala, kalaro, kaibigan at mahal sa buhay.
"E-Etran pagod n-nako." Mahinang sambit ni Calina. Napatingin dito si Etran kung kaya naman at tumigil siya sa pagtakbo upang makapagpahinga sila ng saglit.
"Pahinga muna tayo rito, Calina. Malayo-layo na rin ang ating tinakbo." Saad nito at mabilis na pina-upo ang kanyang kasama.
"E-Etran, papano na tayo ngayon? Anong gagawin natin, patay na silang lahat! Si Tatay, si nanay, sina Ate Inday, si Lolo, mga kaibigan natin, ang kapatid ko a-at si Von!" Hindi mapigilan na humagulhol ng batang si Calina habang inaalala ang sinapit ng kanila Nayon. Kaagad namang hinarap ni Etran si Calina at sabay hawak sa balikat nito, napatingin naman si Calina rito.
"Cal! Alam kong nalulungkot ka at hindi ka nag-iisa sa nararamdaman mo na iyan, ngunit kailangan nating tatagan ang ating mga sarili para sa kanila!" Saad ni Etran sa batang babae na si Calina. Habang sinasabi iyon ni Etran ay tumutulo rin ang kanynang mga luha.
Hindi alam nina Etran at Calina na may nakasunod pala sa kanilang mga kawal ng Imperyo ng Lacia.
"Saan na ba ang dalawang bata na iyon!" Galit sa saad ng isa sa mga kawal.
"Tumahimik ka nga at baka marinig pa tayo ng mga batang iyon!" Saad naman ng isang kawal. Mapapansin din sa limang kawal na ito ang kanilang pagod dahil katulad nina Etran at Calina ay kanina pa sila tumatakbo upang habulin ang dalawang bata.
"Dito na muna tayo upang makapagpahinga." Saad ng isang kawal na kakaiba ang suot. Ang kawal na ito ay mas mataas ang rank kaysa sa apat na kasama nito." Kaagad naman sumunod ang apat dahil na nga sa mas mataas ang pwesto nito sa kanila at ayw nilang maparusahan.
Pagkalipas ng ilang minutong pagpapahinga ang nakarinig sila ng isang sigaw sa hindi kalayuan sa kanilang pwesto kung kaya naman kaagad nila hinada ang kanilang mga sandata at dahan-dahang naglakad papalapit sa lugar kung saan narinig nila ang isang sigaw.
Sa kabilang dako naman, napabuntong hininga na lamang si Etran dahil sa wakan napatahimik na rin niya ang kaninang humahagulhol na si Calina.
"Calina, dito ka na muna kukuha muna ang mga putol na kahoy para kahit papaano ay may ilaw tayo rito." Pagpapaalam ni Etran sa kanyang kasama. Napatango naman si Calina rito.
Kaagad namang tumayo si Etran at naglakad na patungo sa madilim na gubat upang humanap ng mga putol na sanga ng kahoy.
Habang siya'y pumupulot ng mga sangang nalaglag sa mga kahoy ay may napansin siyang umiilaw sa hindi kalayuan. Nagtaka naman siya kung bakit may ilaw sa parte na iyon dahil sa pagkakaalam niya ay sila lang dalawa ni Calina ang nandito sa gubat na ito.
Pupuntahan na sana ni Etran ang lugar na iyon na may umiilaw ng biglang sunggabin siya ng isang malaking baboy ramo.
Boogsh!
Dahil sa lakas ng pagka-sunggab sa kanya ay tumilapon siya sa may puno.
"Argh! Ang sakit!" Sigaw ni Etran dahil sa sobrang lakas ng pagsunggab sa kanya ng malaking babyo ramo.
BINABASA MO ANG
Demon Emperor's Reincarnation
FantasySynopsis: The strongest Demon Emperor dies in the hands of the great heroes of the Human Empire. He promised himself that he will get his revenge but unfortunately he reincarnated as a human. Let's follow his journey as he tries to get back his po...