KABANATA III: Anim na taon

234 30 1
                                    

Date Published: April 22, 2019

========================================================================

Anim na taon na ang nagdaan mula nung na reincarnate si Von bilang tao. Marami na din siyang nalaman tungkol sa kanyang pamilya, sa nayon kung saan siya nakatira at sa mundong ginagalawan niya.

Ang una niyang nalaman ay ang tungkol sa kanyang pamilya. Ang tatay ni Von ay ang pinaka mahusay na mangangaso sa kanilang nayon, ang nanay naman niya ay isang mananahi. Ang sunod naman niyang nalaman ay ang tungkol sa Nayon kung saan sila nakatira. Tinatawag itong Maybo Village o ang Nayon ng Maybo na matatagpuan sa Isla ng Palao. At nagkataon pa dahil ang Nayon na kung saan siya nakatira ay kapangalan ng isa sa mga hero na namatay sa kamay niya.

Nalaman din niya na ang Isla kung saan matatagpuan ang kanilang Nayon ay parte pa ng Ravenwood Kingdom. Bilang parte ng kaharian ng Ravenwood, ang lahat ng tao sa nayon nila ang obligadong bumayad ng buwis sa isang Marquis ng kaharian ng Ravenwood. Ang marquis na ito ang kilala bilang isang masamang tao, dahil mahilig itong mang-agaw ng mga babaeng may asawa at gayundin sa mga magagandang dalaga.

Nalaman din ni Von na nasa isang malaking kontenente matatagpuan ang Ravenwood Kingdom. Isa pa sa nalaman niya na ang Ravenwood Kingdom at ang iba pang kaharian ay pinamumunoan ng isang Emperyo, ito ang Emperyo ng Castellian. Ang Emperyo ng Castellian ang namumuno sa Kontenente kung saan siya nakatira. Base sa nalaman niya, ang mundong ito ay mas malaki pa kesa sa dati niyang mundo, ngunit ang ipanagtataka niya kung bakit kapangalan ng mundong ito ang dati niyang mundo at lahat ng pangalan ng mga Emperyo, Kaharian, Lungsod, Bayan, at Nayon ay katulad na katulad sa dati niyang mundo. At isa sa pa sa mga nalaman niya na meron din palang mga Castanic sa mundong ito, pero hindi sila tinuturing na masasama. Sa katunayan nga ay nagkakaroon pa ng mabuting ugnayan sa bawat lahi sa mundong ito, pero ito ay base lang sa mga kwento ng kanilang Village Elder.

Sa mundong ito ay hindi pa nangyayari ang digmaan ng iba't ibang lahi. Ngunit meron paring digmaan pero ito'y digmaan ng kaparehong lahi o sa madaling salita, tao laban sa tao. Ang kaharian ng Ravenwood Kingdom na kung saan siya nakatira ay nasa digmaan laban sa isa pang kaharian ng tao, ito ang kaharian ng Maplecrest. Ilang taon na din na naglalabanan ang dalawang kaharian, ngunit ito'y isang maliit lamang na digmaan.

Ito lang ang mga impormasyon na nakalap ni Von sa kanilang Nayon na tinatawag niyang tahanan.

⚔️

Sa isang ilog na hindi kalayoan sa nayon ng Maybo ay merong isang batang lalaki na merong itim na buhok at pulang mata, at ang batang ito ay walang iba kundi si Von. Ang lugar na ito ay ang sikretong lugar kung saan siya ay nagsasanay sa pag gamit ng mana. Sa mga sandaling ito ay sinasanay niya ang kanyang sarili sa pag gamit ng elemento ng tubig.

Nakakagamit na din si Von ng Advance level Dark Magic dahil na rin ito ang kanyang inunang magic na inaral, at sa kadahilanan na rin na ito ang elemento na mas marami siyang alam. Ngunit ang problema lang dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan ang ganito kalakas na kapangyarihan. Ang tanging paraan lang na magagawa ni Von ay ang maghintay hanggang sa lumaki na siya.

Inaaral na rin ni Von kung paano gumamit ng magic nang walang incantation na ginagamit.

'Hmm, mabuti naman dahil ang paggamit dito ng magic at katulad sa dati kong mundo.' Saad ni Von sa kanyang sarili, dahil na pansin niya na pareho ang paggamit ng magic sa mundong ito at sa mundo kung saan siya galing.

Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyonan ni Von na hindi pa ito ang araw kung saan siya ay mag-aadvance mula sa biginner water magic hanggang sa Intermediate water magic. Iniisip din ni Von kung mag-aadvance na rin siya sa iba pang magic dahil na rin sa nasa Intermediate level na rin ang iba sa kanyang magic, maliban na lang sa water at earth magic dahil nasa biginner level pa ang mga ito.

Demon Emperor's ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon