Sa paglalayong maipakita ang mga nawawalang tunog, iminungkahi ng pareng Kastila na si Francisco Lopez ang krus/kurus (+) bilang virama o pamatay-patinig. Ito ay isinusulat sa ibaba ng mga pangunahing titik na siya namang nagbukas ng panibagong uri ng Baybáyin. Ito ay madalas tawagin ng ilang mambabaybay bilang B17+.
Ang mga pangunahing titik (14 consonants) ay yaong mga likas na katinig ng Baybayin na rin maliban sa mga patinig na AIU (3 vowels). Kung isasalin natin ang bawat tunog ng mga pangunahing titik sa alpabetong Latin ay makikita na sila ay may likás na kalakip na patinig "A", ang pangunahing tungkulin ng virama ay alisin ang likás na patinig na ito.
Ang paggamit ng virama ay nagbigay ng panibagong kalipunan ng karakter. Ngunit ang mungkahing ito ay hindi tinatanggap ng ilang mambabaybay sapagkat ang krus/kurus ay sumisimbolo umano sa relihyong Katoliko na dala ng mga dayuhang mananakop at noon pa man ay sila'ng naging dahilan ng pagkawala ng napakaraming bagay sa mga ninunong nating kanilang nadatnan.
Gayunpaman, marami na rin ang umusbong na mungkahing virama tulad ng sinawali (×), kawil (¬), gitling (-), kudlit-virama na nasa anyong kuwit, at iba pa. Nasa listahan na rin ng ginagamit na virama ang "pamudpod" na unang iminungkahi ng isang Dutch Anthropologist na si Antoon Postma para sa Surat Mangyan o Hanunó'o. Tignan ang mga halimbawa sa ibabang larawan.
BINABASA MO ANG
Baybáyin
AdventureAng mga pahinang mababasa ay tumatalakay sa sinaunang titik na ginamit ng ating mga ninuno.