Makikita sa tsart na walang karakter para sa Ra, ito ay dahil ang Ra ay allophone ng Da. Mayroong mga salita sa Filipino/Tagalog na nagsisimula sa da- na nagiging ra- kapag ito ay nilakipan ng panlapi, gayundin kapag ang mga salitang yaon ay sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
DUNONG - maRUNONG, kaRUNUNGan
DANGAL - maRANGAL, kaRANGALan
DAHAS - maRAHAS, kaRAHASaniyan DIN - ito RIN
iyan DAW - sa iyo RAWKung kaya sa orihinal na Baybáyin, alinmang pantig na RA sa alinmang salita ay ginagamitan ng karakter ng Da.
Bagaman iyon ay isang katangian ng Baybáyin, iminungkahi pa rin ni Ginoong Norman delos Santos ang isang karakter para sa Ra upang matugunan ang pangangailangan ng mga wika sa bansa. Sa ngayon, tinatawag ng ilan ang mungkahing karakter na ito bilang Norman Ra. Tignan ang mga pilíng baryasyon ng karakter sa ibabang larawan.
(Maari po ninyong i-download ang tsart sa taas para kayo'y magkaroon ng sariling kopya. Isa lamang paalala na ang anyo ng mga karakter sa tsart ay batay lamang sa aking sariling pamamaraan ng pagsulat at hindi ito kumakatawan sa pinakatumpak na anyo ng Baybáyin.)
BINABASA MO ANG
Baybáyin
AventuraAng mga pahinang mababasa ay tumatalakay sa sinaunang titik na ginamit ng ating mga ninuno.