Baybáyin: Isang Abugida

190 3 0
                                    

Bagaman ang mga Kastila ang naging mitsa ng pagkawala ng Baybáyin, maalam din naman sila sa panulat na iyon noong baguhan pa lamang sila sa ating kalupaan.

Nariyan ang Doctrina Cristiana en Española y Tagala, isang salin ng Bibliya na inilimbag ng mga Kastila na ginamitan ng titik Baybáyin sa wikang Tagalog alinsabay sa wika nilang Español na ginamitan naman ng alpabetong Latin.

Kung ika'y minsa'y magawí sa Archives of the University of Santo Tomas, naroon ang pinakamaraming koleksyon ng mga dokumentong naglalaman ng titik Baybayin.

Ang Baybáyin ay isang uri ng panulat sa kategoryang abugida o iyong mga panulat na gumagamit ng mga diacritic/pananda na isinusulat sa baba o taas upang maipakita ang iba pang tunog mula sa pangunahing titik. Tignan ang larawan sa baba.

Ang mga pananda ay madalas sa anyong tuldok ngunit sa mga kasalukuyang gumagamit ng Baybáyin ay nag-iiba ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga pananda ay madalas sa anyong tuldok ngunit sa mga kasalukuyang gumagamit ng Baybáyin ay nag-iiba ito. Maaring maliit na pahigang guhit, patayo, pahilig, atbp.

Mapapansin sa halimbawang salita sa larawan na hindi isinulat ang kabuuang tunog at nawawala ang /n/ at /k/. Ito ay dahil sa orihinal na anyo ng Baybáyin, hindi isinusulat ang mga huli at nag-iisang katinig/tunog sa loob ng isang pantig. Samakatwid, ang mga salitang "MaGanDang BunDok" ay isusulat lamang bilang "MaGaDa BuDo". Tinatawag ng ilang mga mambabaybay ang uri ng Baybáying ito bilang Tunay na Baybáyin, sapagkat gagamitin lamang ang pinakapayak na titik ng panulat.

Baybáyin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon