Karagdagang mga Karakter

122 4 1
                                    

Dahil nga sa pag-usbong ng virama, naisusulat na ngayon ng karamihan ang mga huling katinig/tunog na makikita sa napakaraming salita sa Tagalog/Filipino o sa ibang wika sa Pilipinas. Ngunit ang pagkakaroon ng virama ay totoong taliwas sa pinaka-anyo ng Baybáyin at tuluyang inaabuso ng ilan at nagagamit sa maling pamamaraan na alphabetized.

Karagdagan sa Baybáyin bilang isang abugida, ito ay isang alphasyllabary o nangangahulugang panitik na nagrerepresenta ng isang tunog bawat pantig bawat titik. Kung kayá natutunan natin sa mga naunang bahagi na ang bawat pantig ng salita ay kinapapalooban ng pangunahing pantig at titik at hindi na isinusulat ang mga huling tunog.

Sa mga salitang "MaGanDang BunDok", ang pangunahing pantig ay MaGaDa BuDo at iyan lamang ang mga pantig na isinusulat at iyan ang pinakapayak na alituntunin ng Baybáyin. Hindi lang dahil walang virama noon kundi dahil ganyan din ang paggamit ng ating mga ninuno maging ang mga rebolusyunaryong kinabibilangan nina Rizal at Bonifacio. Kung matatanong ninyong "Alam din ba ni Jose Rizal ang Baybáyin?", ang kasagutan ay oo't alam niya.

Gayong ang Baybáyin ay isang abugida at alphasyllabary, tama nga rin naman na hindi na kakailanganin ang mga virama.

Bagaman gayon ang anyo, ayon sa ilan ay kailangan pa rin ang virama upang makasabay sa modernong Wikang Filipino, sa Tagalog, o maging sa mga pangkat-etnikong wika.

Ang usaping modernisasyon ng Baybáyin ang siyang nag-udyok sa ilang mambabaybay upang yakapin ang mga modernong mungkahi. Isa sa mungkahing nailatag ay ang karagdagang karakter para sa mga letrang C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z na pinangunahan ni Ginoong Jayson Villaruz. Ang mungkahi ni G. Villaruz ay kinapapalooban din ng modipikasyon sa karakter para sa patinig na E at I gayundin sa O at U. Tignan ang larawan sa ibaba.

 Tignan ang larawan sa ibaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Source: https://www.pinterest.fr/pin/699183910877736506/)

Hindi kaila na ang walong (8) letra ay hindi matatagpuan sa unang Abakada ni G. Lope K. Santos  (A, Ba, Ka, Da, E, Ga, Ha, I, La, Ma, Na, Nga, O, Pa, Ra, Sa, Ta, U, Wa, Ya). Sapagkat ang mga letrang yaon ay mula umano sa mga dayuhan. Subalit hindi ito sinasang-ayunan ng ilan dahil nga raw sa katotohanang hindi naman lahat ay nagmula sa dayuhan katulad na lamang ng pangngalang "Ivatan" kung saan ay may titik "v". Ang mga Ivatan ay naninirahan sa dulong hilaga ng ating bansa. Kung ating sasaliksikin ang mga salitang kinapapalooban ng 8 na letra na nasa wika sa ating bansa, maaari natin ulit ikonsidera ang mga karagdagang karakter na iminungkahi ni G. Villaruz.

Baybáyin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon