Ang Pagkawala

257 5 0
                                    

Ang Baybáyin ay isang kopon ng alpabeto na may labing-pitong pangunahing titik (17 characters/letters: 3 patinig at 14 katinig).  Sinasabing ang panulat na ito ay ginamit noong ika-13 hanggang ika-18 siglo.

Ngunit bakit nga ba nagkaroon ng hangganan? Matatandaan sa kasaysayan na ang pananakop ay nagsimula noong 1521 at pinasimulan ito ni Magellan noong siya ay dumating sa kalupaan ng ating bansa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngunit bakit nga ba nagkaroon ng hangganan? Matatandaan sa kasaysayan na ang pananakop ay nagsimula noong 1521 at pinasimulan ito ni Magellan noong siya ay dumating sa kalupaan ng ating bansa. Ang kanyang pagdating ay naging mitsa ng pagkawala ng likas na pagkakakilanlan ng ating mga ninuno.

Gayong si Magellan ay mula sa Europa, dala rin niya sa kanyang paglalakbay ang sarili niyang kultura. Si Magellan ang nagpakilala ng pananampalatayang Katolisismo (Catholicism) na iniayon ang turo sa isang kasulatan na tinatawag natin ngayong Bibliya.

Mula sa ibang kasaysayan, malalaman na ang kasalukuyan natin ngayong ginagamit na kopon ng mga letra na ABC ay mula sa alpabetong Latin na umusbong naman sa kalupaan ng Europa. Ang alpabetong ito ay siyang dala ni Magellan at mga sumunod pang mga mananakop. Ang pagdaong ng mga dayuhang yaon ang lubos na nagpakilala sa atin ng kanilang letra (ABC) hanggang sa mawala na ang titik ng ating mga ninuno na Baybáyin.

Kung atin ngang mapapansin sa isang sikat na tula na ginagamit sa tuwing sasapit ang Buwan ng Wika, ang nakasulat ay ganito:

"Ang salita nati'y tulad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ng lunday sa lawa noong dakong una."

Iyan ay mula sa tulang "Sa Aking Mga Kabata".  Hindi ito nawawala bilang halimbawa sa pagmamahal sa Wikang Filipino ngunit hindi rin naman lubos na nauunawaan ng mga gumagamit nito.

Baybáyin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon