Hi ako pala si White Concepcion isang proud Gay yes proud na proud pero di ako katulad ng ibang bakla na crossdresser dahil simple lang ako manamit meron akong maputing balat at maamong mukha na namana ko sa nanay ko well nasa lahi na namin yun haha
Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso yung panganay namin ay babae mas matanda siya sa akin ng dalawang taon 18 yrs.old na siya samantalang ako ay 16 yrs.old pa lamang
Ako ay isang grade 10 students sa isang sikat na university at scholar ako sa school na yun di naman kami mahirap at di rin mayaman nasa gitnang level lang kami ng pagka mayaman
Ang Mama ko ay isang Manager sa isang Fast food chain at ang tatay ko naman ay sa isang opisina nagtatrabaho, sapat naman ang kinikita nila para mapag aral kami ng ate ko
"Bakla ka hindi ka pa ba nagugutom hindi mo pa kasi ginagalaw yang pagkain mo" pagsuway sa akin ng kaibigan kong si lester matagal na kaming magkaibigan nitong baklang to at masaya ako dahil naging kaibigan ko siya dahil masaya siyang kasama at totoo siya sa akin
"Hala si bakla parang nakakita ng malaking nota sa sobrang tulala" pambasag ni lester sa pagkatulala ko
"Bakla ka ang bastos ng bibig mo may naalala lang naman ako" sagot ko rito sabay kain sa pagkain ko
"Oh siya bilisan mo na at malapit na matapos ang break natin" sabi niya kaya naman binilisan ko na ang pagkain ko
Andito pala kami ngayon sa canteen at break namin ngayon kaya kasalukuyan kaming kumakain ni lester binilisan ko na ang pagkain dahil ang next subject namin ay medyo strikto kaya lahat kami ay tahimik kapag nagdidiscuss siya
Natapos na ang break namin at dumiretso na kami sa classroom at hinintay na lang na dumating ang next teacher namin
Maya maya pa ay dumating na ito at sabay sabay na namin itong binati bilang pagbibigay galang
"GOOD MORNING MA'AM LEE" Sabay sabay naming bati sa kaniya
"OK GOOD MORNING TOO NOW YOU MAY TAKE YOUR SIT AND I DON'T WANT TO HEAR ANY NOISE" mataray na sabi nito sa amin diba strikto talaga pero huwag kayo mas strikto yung last subject namin na si Ma'am Jells
Lesson dito, Lesson doon hanggang sa matapos na siyang magdiscuss at pagkaalis na pagkaalis niya ay bigla naman umingay ang mga classmates ko sinulit na nilang mag-ingay kasi next teacher namin ang pinaka terror sa lahat ng teacher HA HA
Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Jells at pagpasok niya pa lang ay tahimik na ang buong klase kasi sino ba naman ang hindi matatakot sa kaniya sa awra niya na parang laging galit
Siya yung teacher namin sa science at Biology ang dinidiscuss niya sa amin medyo madali lang naman ito para sa akin kaya nakakasabay ako sa kaniyang pagdi-discuss
Maya maya pa ay nagbell na hudyat na uwian na namin kaya ang ang iba ay nagsilabasan na samantalang ako ay nag-aayos pa ng aking mga gamit
"Bakla oh tinitingnan ka ni fafa Zed mukhang type ka ata" sabi niya pero pagtingin ko naman kay Zed ay di na ito nakatingin sa akin kausap niya ang kaniyang kaibigan at maya maya pa ay umalis na sila
"Bakla ka kung anu-ano nakikita tara na nga uwi na tayo" sabi ko at naglakad na kami palabas
"Bakla daan muna tayo sa mall may bibilhin lang ako sa national bookstore" wika nitong kaibigan ko habang palabas kami ng school
"Ay te ayoko busy ako" pagtanggi ko sa kaniya
" sige na te libre ko" bigla naman nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya
"Ay tara na te sino ba nagsabing ayaw ko gustong gusto ko nga pumunta sa mall kasi ang init dito" wika ko habang hila hila siya papunta sa sakayan ng jeep
"Ay iba ka din te pag libre ang bilis mo kumilos talo mo pa si flash" okray na sabi sa akin ni lester
"Ano ka ba te bawal tumanggi sa grasya kaya tara na" wika ko at agad na sumakay sa jeep
Mabilis naman kaming nakarating doon at tinungo agad namin ang national bookstore kung saan siya bibili. Pagkatapos niyang bumili ay niyaya niya na ako pumunta sa isang fastfood chain para kumain tutal pareho naman kaming gutom
Siya na ang umorder tutal alam naman niya ang gusto kong kainin dito at ako naman ay naghanap na ng bakanteng upuan at hinintay siya
Maya maya pa ay dumating na siya dala dala ang inorder niyang pagkain na spaghetti,fries at sundae di na ako nagpatumpik tumpik pa at kumain na ako
"Sis samahan mo pala ako magpapaprint lang ako ng assignment sa computeran malapit sa school" ani ko pagkatapos kong kumain
"Sige sis tara na" wika niya at sabay na kaming tumayo at nilisan ang lugar na iyon sumakay ulit kami ng jeep pabalik sa school namin at pagbaba namin sa jeep ay nilakad na namin ang ang computeran na malapit dito
Nang makarating kami dito ay sinabihan ko na si lester na hintayin na lang ako sa labas tutal saglit lang naman ako
Pumasok na ako sa loob at kitang kita ko ang dami ng tao na mga naglalaro dito at halos lalaki ang mga naglalaro dito
Nagpaprint na ako at medyo madami dami ito kaya inaayos ko ito habang palabas na ako pero nagulat na lang ako ng nalaglag lahat ng pinaprint ko dahil sa may bumangga sa aking lalaki na nagmamadali na akala mo ay hinahabol ng pulis
Agad kong pinulot ang mga ito at habang pinupulot ko ito ay nagulat na lang ako ng may tumulong sa aking lalaki at nang makita ko ang mukha nito ay bigla akong natulala sa angking kagwapuhan nitong lalaki na ito nakakaloka mga besh!
"Ah-eh tulungan na kita siraulong lalaki yun di man lang tumitingin sa dinaanan niya at nabunggo ka tuloy" sabi niya sabay abot ng mga papel sa akin kaya tumayo na kami
" Sa-salamat pala sa tulong mo" nauutal kong sabi, shit bakit ako nauutal?
" Zed nga pala" ani niya sabay abot ng kamay para makipag shake hands na agad ko namang tinangap
" Uhmm White " sabi ko at inabot ang kamay ko para makipagshake hands, nang magdikit ang mga kamay ay parang may naramdaman akong kiliti sa katawan ko kaya babawiin ko na sana ang kamay ko pero nakahawak pa rin siya dito
"Uhm pwede mo na akong bitawan" nahihiyang sabi ko at agad naman niya akong binitawan
"Ah-eh sorry"
"Sige una na ako baka hinahanap na ako ng kaibigan ko sa labas" sabi ko bago tuluyang umalis
"Ang tagal mo naman sis nilalamok na ako ditey" maarteng sabi ni lester pagkalabas ko sa computer shop
" sorry naman sis tara na at makauwi na tayo" sabi ko at dali daling umuwi
Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa aking kuwarto para magbihis at pagkatapos kong magbihis ay nahiga ako para matulog
Hindi ko pa rin makalimutan ang pagtulong sa akin kanina ni Zed hindi ko alam pero ang saya ko simula nang makita ko siya kanina kaya naman natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi mga bessywaps kamusta naman kayo jan? Enjoy niyo lang ang pagbabasaPlease vote and comment!
LAVYAH!
~ALWIINAA
BINABASA MO ANG
MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceIsang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong mukha mabigyan niya kaya ng oras ang pag-ibig? o mas pipiliin niya na lang ang maglaro ng mga compute...