White's Pov
Lahat kami ngayon ay nakatutok lang sa aming guro na nagtuturo ngayon ng lesson namin last subject na namin ito at mag-uuwian na maya maya
Nakikinig lang ako ng mabuti dahil gusto ko ay may matutunan ako para naman kapag tinanong ako ni ma'am ay may isasagot ako
Simula kinder pa lang ako ay with Honors na ako pinagbubutihan ko talaga ang aking pag-aaral para naman ay kapag nakapagtapos na ako ng aking pag-aaral ay makahanap ako ng magandang trabaho at makatulong ako sa aking mga magulang
Habang nakikinig ako sa aming guro ay hindi rin maiwasan na mapatingin ako sa lalaking nasa bandang harapan hindi ko alam kung bakit ang lakas ng dating niya sa akin
Kapag tinitigan mo talaga siya ng mabuti ay malalaman mo na sobrang gwapo niya shet bat ko ba to naiisip naloloka na ako sa sarili ko
Habang nakatingin ako sa kaniya ay nabigla ako ng mapatingin din siya sa akin at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula sa ginawa niya kaya naman yumuko ako para hindi niya makita ang reaksiyon ko isipin pa nun gusto ko siya
*TING! TING! TING! nang marinig namin ang bell ay agad ng nagpaalam ang aming guro at umalis
Isa isa naman ding nagsi-alisan ang aking mga classmate at maya maya pa ay lumapit na sa akin si lester
"Te una ka na may kailangan pa kasi akong iresearch sa library eh sorry sis ha" sabi niya sa akin at umalis na sinabihan ko pa siyang sasama ako pero di na niya ako pinayagan at pinauna na so wala akong choice kundi ang umuwi ng mag-isa
Lumabas na ako sa school at nag-aantay na lang ng jeep na dadaan para sumakay pero parang malas ata ako ngayon kasi halos lahat ng jeep ay puno yung iba nga ay nakasabit na lang sa jeep
Maya maya pa ay may huminto sa aking pulang sasakyan mukhang mamahalin itong sasakyan na ito, ibinaba nito ang kaniyang bintana kaya naman laking gulat ko ng makita ko kung sino ito
" Tara hatid na kita mukhang punuan ngayon ang mga jeep eh at baka abutan ka na ng gabi mapaano ka pa" sabi niya sa akin na ikinatuwa ko kasi parang concern siya sa akin yiiie
"Ay hindi na maghihintay na lang ako ng masasakyang jeep at isa pa nakakahiya naman sayo" nahihiya kong sabi sa kaniya
"Ano ka ba tara na ok lang sa akin at isa pa magkaibigan na tayo right?" Sabi naman niya sa akin
"Ah eh sige na nga salamat ha" pasasalamat ko sa kaniya sabay pasok sa loob ng kotse niya at pinaandar niya na ito wala na din naman akong choice kundi ang makisakay sa kotse niya alangan namang maghintay pa ako dito ng matagal bago makasakay
" Welcome pero may bayad to ah" nagulat ako sa sinabi niyang may bayad eh siya nga tong nag-alok sa akin na makisakay sa kaniya tapos papabayaran niya pa sa akin
"Magkano ba para mabayaran na kita" sagot ko rito at akmang kukunin ko na ang pera ko sa wallet ng pigilan niya ang kamay ko. libu libong bultahe naman ang naramdaman ko ng hawakan niya ako kaya naman agad kong inalis ang kamay niya
"Sorry pero hindi pera ang kailangan ko" wika nito habang tutok ang mga mata sa daanan naguguluhan na talaga ako sa lalaking to
"Ha? Eh ano?" Takang tanong ko rito
"Makikipag date ka sa akin bukas" diretsong sagot niya na ikinabigla ko
"Ha? Da-date?" Tanong ko rito ng may halong pagdududa
"Oo as in friendly date tutal magkaibigan na tayo kaya gusto kong mas makilala pa kitang mabuti" nakangiting sabi niya sa akin
"Ah eh sige" hindi ko alam pero parang nadismaya ako ng sabihin niyang friendly date
Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay namin kaya naman agad na akong bumaba ng sasakyan upang magpasalamat
"Ah Zed salamat ulit sa paghatid ha" sabi ko habang nakadungaw sa kaniya sa bintana
" ah wala yun basta bukas ha huwag mong kalimutan susunduin naman kita dito eh bye!" Nakangiting sabi niya sa akin
"Bye" sabi ko at hinintay siyang makaalis bago tulyang pumasok sa loob ng bahay
Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko ang aking ina na nanunuod ng tv
"Sino yun anak? Yung naghatid sayo" agad na tanong sa akin ni mama
"Ah kaibigan ko po ma" sagot ko rito
"Natutuwa naman ako at may mga kabigan ka sa school niyo maliban dun kay lester" sabi niya sa akin
"Hahaha sige ma akyat na po ako para magpahinga" sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mama
Pagka akyat ko sa kuwarto ko ay nagbihis na ako at nagpalit ng damit pang tulog, humiga na ako sa kama at pipikit na sana ako ng magring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha
Nakita ko naman na may nagtext sa akin from Unknown Number
"Hi white yung usapan natin bukas ha huwag mong kalimutan good night sweet dreams.... Zed here!" Napangiti na lang ako sa text niya at agad ko itong nireplyan
"Oo naman hehe... Goodnight den ^_^"
Hindi ko na ito hinintay pang magreply at pinatay ko na ang cellphone ko para matulog
Ang saya ko ngayon hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam ng ganito na masaya lang kaya naman natulog na akong masaya
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nagustuhan niyo po ba? Vote and Comment naman jan!
~ALWIINAA
BINABASA MO ANG
MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)
عاطفيةIsang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong mukha mabigyan niya kaya ng oras ang pag-ibig? o mas pipiliin niya na lang ang maglaro ng mga compute...