White's Pov
Nandito ako ngayon sa bahay dahil sabado ngayon at wala kaming pasok, nag-iisa lang ako dito sa bahay dahil pumasok sina mama at paa si ate naman ay may lakad daw kaya ako ang naiwan dito mag isa sa bahay namin
Wala akong masiyadong ginagawa kaya napagpasiyahan ko na maglinis na lang ng bahay namin
Winalis ko yung mga kalat sa sala namin, inayos ang pagkakalagay ng mga gamit sunod kong nilinis ay yung cr namin kuskos doon kuskos dito at boooom! Malinis na ulit
Natapos ko ang paglilinis ng aming bahay mga ala una na kaya napagpasiyahan ko ng maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng simpleng damit at short dahil sa bahay lang naman ako
Pagkatapos ko magbihis ay may narinig aking pagkatok sa baba napaisip naman ako kung sino to dahil wala naman akong inaasahang bisita
Bumaba na ako upang buksan ang pinto para malaman ko kung sino ang kumakatok sa pinto
"Sandali lang!" Sigaw ko habang papalapit sa pinto at ng buksan ko ito ay nanlaki ang mata ko sa gulat ng malaman ko kung sino itong kumakatok kanina pa walang iba kundi si zed!
"Oh napadalaw ka ata?" Tanong ko rito
" ah eh oo wala kasi aking ginagawa sa bahay kaya dito muna ako sa inyo tatambay" sabi naman nito sa akin
"Wow ha tambayan lang ang peg ng bahay namin?" Pilosopo kong sagot sa kaniya
"Hahaha di naman sa ganun naboboring lang talaga ako sa amin, ok lang ba?" Wika nito
"Hayys sige na nga pumasok ka na doon" pagpayag ko sa kaniya at agad naman siya pumasok sa loob
"So ano gusto mong gawin?" Tanong ko dito
"Movie marathon na lang tayo sa Netflix" wika niya
"Sige tara may bago silang palabas na maganda eh" sabi ko at nagsurf na agad kami sa netflix
"Wait oorder lang ako ng pagkain natin para may kinakain tayo habang nanunuod" sabi niya at nagdial na sa cp niya at nag-order ng pagkain
Inistart ko na ang movie at horror pala ito pero maganda pa din kaso di ko mapigilan ang matakot habang pinapanood namin ito
"Waaaaaaah!" Sigaw ko at napayakap ako sa katabi ko ng may magpakitang multo doon sa palabas
"Pwede ka ng kumalas wala na yung multo" sabi nitong katabi ko agad naman akong nahiya sa ginawa kong pagyakap sa kaniya
"Ah eh sorry" sabi ko sabay tanggal ng pag kakayakap ko sa kaniya
"Wala yun ang sarap nga sa pakiramdam ng yakap mo eh" sagot naman nito na ikinapula ko ang bilis na ng tibok ng puso ko kaloka!
"Ganito na lang para di ka matakot hahawakan ko na lang yung kamay mo" sabi niya at hinawakan niya nga ang kamay ko
Nakadama na naman ako ng boltahe ng maglapat ang mga kamay namin pero ang saya ko dahil magkasama kami nawala yung takot ko sa palabas dahil lang sa paghawak niya sa kamay ko
Sana laging ganto kami masaya, kailan ko kaya maaamin ang feelings ko para sa kaniya kinakabahan kasi ako baka ireject niya ako pero sa tingin ko hindi naman kaya aaminin ko na sa kaniya habang may pagkakataon pa ako
"Uhm ze-zed?" Pagtawag ko sa kaniya
"Yes?" Sabi naman niya
"May gusto sana akong sabihin sayo"
"Sige ano yon?" Tanong niya
"Gusto ko lang na malaman mo na gus-"naputol ako sa sinasabi ko ng may kumatok
"Anjan na ata yung inorder kong pagkain wait lang ha kunin ko lang" shiit wrong timing kaloka naman kung kailan handa na ako eh istorbo talaga
"Ano ulit yung sasabihin mo?" Tanong ni zed sa akin habang bitbit yung pizza na inorder niya
"Ah wala wala wag mo na lang intindihin" sabi ko sa kaniya
"Sige tara kain na" binuksqn niya yung box ng pizza at kumain na kami habang nanunuod ng palabas
Nakarami kami ng palabas na pinanuod may nakakatawa, nakakatakot at nakakaiyak. Di namin namalayan yung oras at gabi na pala kaya nagpaalam na siyang uuwi na
Hinatid ko na siya sa labas at agad nama siyang pumasok sa loob ng kotse niya
"White thankyou ha pinayagan mo akong tumambay sa inyo" wika nito ng makapasok sa loob ng kotse niya
"Ano ka ba wala yun tsaka wala naman din akong ginagawa" sagot ko rito
"Nag-enjoy ako sana ikaw din" sabi niya habang naka ngiti
"Oo naman salamat ha, sige na uwi ka na gabi na oh" ani ko at umalis na nga siya
Pumasok na ako sa loob at nagligpit ng mga dapat iligpit at ng masigurado kong maayos na ang lahat ay umakyat na ako sa kwarto ko para humiga at magpahinga
Ewan ko ba pero sa bawat araw na lagi kaming magkasama ni zed ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya dahil hindi lang siya gwapo kundi mabait pa nakuuuu! Kaya saan ka pa diba?
Natulog na ako ng masaya!
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Guys Follow niyo naman ako support lang!Please Vote and Comment
~ALWIINAA
BINABASA MO ANG
MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceIsang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong mukha mabigyan niya kaya ng oras ang pag-ibig? o mas pipiliin niya na lang ang maglaro ng mga compute...