Zed's Pov
Sobrang kaba at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako kasi baka kung anong mangyaring masama kay white at galit naman sa taong gumawa nito sa kaniya. Wala akong alam na kaaway si white dahil mabait siyang tao kaya nagtataka ako kung sino ang gumawa nito sa kaniya
Nagda-drive ako ngayon papunta sa bahay nila Rex dahil alam kong marunong siyang mang track ng tao at marami pa siyang alam pagdating sa technology. Gusto kong ipa-track sa kaniya kung nasaan si white para mailigtas ko siya dahil di ko kaya na may mangyari sa kaniyang masama
Nang makarating ako kila rex ay dumiretso ako sa kwarto niya at nakita ko naman siya doon na nagco-computer
"Oh napadalaw ka ata," bungad nito sa akin
"Rex tulungan mo ako" pakiusap ko rito
"Bakit? Ano bang problema mo?" tanong nito sa akin
"Dinukot si white" sabi ko at halata ang gulat sa mga mukha niya
"Ha? Sige sige. Ano gusto mong gawin ko para matulungan kita?" Sabi nito sa akin
"Gusto kong itrack mo kung nasaan siya sabi kasi ng ate niya nasa bulsa pa ni white ang cellphone niya kaya please alamin mo kung nasaan siya" pagmamakaawa ko rito
"Sige pre ako bahala madali lang to" sabi niya at humarap ulit sa computer at nagsimula na siyang magtrabaho.
Please lord kung nasaan man si white ay sana ligtas siya at walang mangyaring masama sa kaniya please lord di ko po kakayanin kapag nawala siya. Dasal na lang muna ang ginawa ko habang hinihintay na matapos si Rex sa ginagawa niya
Makalipas ang sampung minuto ay natapos na siya at humarap sa akin
"Pre nahanap ko na siya" sabi agad nito sa akin. Nabuhayan ako dahil sa sinabi niya
"Talaga? Asan siya?" Tanong ko
"Nasa lumang building siya sa *******" pagkasabi niya sa akin ng address ay tumawag agad ako ng pulis at pumunta kami doon kung nasaan si white
Maghintay ka white parating na ako, ililigtas kita
White's Pov
Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa mukha ko kaya agad kong minulat ang mata ko at nagulat ako dahil nakagapos ang katawan ko sa isang upuan habang ako ay nakaupo, nasa isang lumang building kami at maraming gamit ang nakalagay rito pero mas nagulat ako sa taong nasa harapan ko
"E-ENZO?" Utal kong sabi
"Oo ako nga nagulat ka ba loverboy?" Nagulat ako sa tinawag niya sa akin
"Anong ginagawa ko dito? Bakit mo to ginagawa sa akin? Anong kasalanan ko sayo?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya
"Siguro ikaw wala pero si ZED MERON!" Sigaw na sabi sa akin nito. Nagtaka naman ako kung anong naging kasalanan sa kaniya ni zed
"Naiinis ako kay zed kasi lagi niya na lang kaming yinayabangan kapag nanalo sila sa tournament naiinis ako dahil masaya siya at yun ang ayoko yung maging masaya siya at dahil ikaw yung kasiyahan niya siyempre dapat ka ng mawala sa mundong ito para magdusa siya ng malala" nakakatakot na sabi nito sa akin. Kabang kaba na talaga ako
"Ginawa ko lahat para mapaghiwalay kayo na umabot na sa punto na naghire pa ako ng babae para pag-awayin kayo ni zed" sabi nito na ikinabigla ko
"Teka? Ibig sabihin kasabwat mo si chloe" tanong ko dito
"OO! at wala nagka-ayos pa din kayo ni zed pero this time sisiguraduhin kong magluluksa siya" sigaw nito sa akin sabay tutok sa akin ng baril. Sa sobrang kaba ko ay pumikit na lang ako at hinintay na pumutok yung baril sa akin
*BAAAANG!* (SORRY YAN LANG ANG SOUND EFFECT NG LOLA NIYO WALANG BUDGET HAHA)
Naghintay ako na may sumakit sa katawan ko pero wala akong naramdaman kaya dumilat ako at nakita ko si Enzo na nakabulagta sa sahig . Tiningnan ko kung sino yung bumaril at nakita ko si Zed na may kasamang maraming pulis
Naiyak ako dahil sa wakas ay dumating si zed. Tumakbo siya patungo sa akin at agad akong kinalagan
"Shhh wag ka ng umiyak babe andito na ako ligtas ka na" sabi nito sa akin at yumakap naman ako sa kaniya
"Thankyou babe, salamat kasi niligtas mo ako" naiiyak na sabi ko sa kaniya
"Ok lang babe mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para ilayo ka sa kapahamakan" sabi niya
Kumalas kami sa pagkakayakap at tiningnan ko kung paano kinuha ng mga pulis si enzo at dinala sa sasakyan ng mga pulis
"Patay na ba siya?" Tanong ko kay zed
"Hindi babe pampatulog lang yung ginamit namin para di ka niya mabaril" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Siyempre kahit ganon yung ginawa niya sa akin ay ayoko pa rin na may mamatay
Tara na babe dadalhin kita sa ospital para macheck up ka nila" sabi niya. Umalis na kami sa lugar na iyon at tumungo sa ospital para magpagaling ng mga sugat na tinamo ko
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
NAGUSTUHAN NIYO BA?PLEASE VOTE AND COMMENT!
FOLLOW ME GUYS!
~ALWIINAA
BINABASA MO ANG
MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceIsang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong mukha mabigyan niya kaya ng oras ang pag-ibig? o mas pipiliin niya na lang ang maglaro ng mga compute...