White's Pov
Andito kami ngayon sa canteen kasama yung mga kaibigan ni zed at si lester kasi sasabihin na namin sa kanila ang tungkol sa amin ni zed. Hindi ako natatakot na hindi nila kami matanggap dahil naniniwala ako na kapag totoo mo silang kaibigan ay tatanggapin ka nila kahit ano ka man o sino ka man.
"So ano ba yung sasabihin niyong dalawa?" Tanong ni lester sa amin
"Oo nga pinatawag niyo pa talaga kami ha" nakangising sabi ni rusty
" gusto ko lang sabihin sa inyo na" pasuspense na sabi ni zed. Nakakatuwa yung mga itsura nila kasi tutok na tutok sila sa sasabihin ni zed. Tumingin sa akin si zed bago kami magsalita ulit
"KAMI NA" SABAY NA SABI NAMIN NI ZED
"OMG! KAYO NA? WAH! TOTOO BA YAN?" Pasigaw na sabi ni lester
"Bakla ka wag ka masiyadong maingay baka marinig ka ng iba" pagsita ko naman sa kaniya. Siyempre ayoko pa muna ipaalam sa maraming tao na kami na kasi baka di nila kami matanggap agad.
"Woaaah! Congrats tol"
"Oo nga pre Congrats"
Narinig kong sabi ng mga kaibigan ni zed sa kaniya. Masaya ako dahil tanggap nila kami
"Tanggap niyo kami? Di ba kayo nandidiri sa amin?" Tanong ko sa kanila
"Ano ka ba white siyempre hindi at isa pa kaibigan namin kayo kaya tanggap namin kayo" masayang sabi sa amin ni drei
"Thankyou! Thankyou kasi nagkaroon kami ng mga kaibigang tulad niyo ang saya saya ko" masaya kong sabi sa kanila
"So bes dahil kayo na libre niyo kami ng pagkain ngayon" sabi bigla ni lester na ikinatawa namin at siyempre ganun na nga ang ginawa namin masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan.
Mabilis na tumakbo ang oras at nag-uwian na kaya andito kami ngayon ni zed sa kotse niya at pupunta kami ngayon sa bahay nila
"Babe bakit agad agad tayong aamin sa mommy mo? Kinakabahan tuloy ako" sabi ko kay zed dahil balak niyang umamin na kami sa mommy niya
"Babe ayoko ng patagalin pa tutal malalaman at malalaman din nila yun at isa pa wag kang kabahan kilala ko yun si mommy mabait yun matatanggap ka nun" sabi niya sa akin sabay lapit ng mukha niya sa akin, omg! Konting konti na lang talaga at magdidikit na ang mukha namin kaya naman sobrang pula ko na ngayon.
Pumikit ako at hinintay na dumikit ang mukha niya sa mukha ko pero wala akong naramdaman kaya minulat ko ulit ang mata ko at nakita ko si zed na nakangiti habang nakatingin sa akin
"Ang cute mo talaga kapag namumula" sabi niya na mas ikinapula ko
"Loko ka talaga" sabi ko sabay mahinang hampas sa braso niya at inayos ko na ang sarili ko
Pinaandar niya na ang kotse niya at mabilis nama kaming nakarating sa kanila. Pagkababa ko sa kotse niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito
"Huwag kang kabahan nandito lang ako sa tabi mo" sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Medyo nawala naman ang kaba ko nang hawakan niya ang kamay ko
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at dumiretso sa sala tutal andoon yung mommy niya. Nang makita niya ito ay agad niya itong binati
"Hi mommy" bati ni zed sa mommy niya
"Hi sweetie kasama mo pala si white" sabi ng mommy niya
"Opo mommy at may gusto po sana kaming sabihin sayo" sabi ni zed. Ibayong kaba naman ang naramdaman ko nung mga oras na yun kaya sobrang higpit ng mga kapit ko sa kamay ni zed
"Oh ano yun at mukhang seryoso yan ah" Tanong nito sa amin
"Mommy gusto ko lang na malaman niyo na KAMI NA PO NI WHITE" sabi ni zed sa mommy niya. Saglit na natahimik ang mommy ni zed kaya labis akong kinabahan
"Hindi niyo po ba kami tanggap mommy?" Tanong ni zed sa mommy niya
" OMG! Talaga kayo na? Matagal ko ng hinintay to, im so glad dahil kayo na" nagulat kami sa naging reaksiyon ng mommy niya
"Talaga po tita tanggap niyo kami?" Tanong ko
"Oo naman matagal ko na ngang hinintay na maging kayo eh, naku zed alagaan mong mabuti si white ha" sabi ni tita
"Siyempre naman po mommy mahal ko kaya si white" sabi niya na nagpapula sa mukha ko
"Oh siya gusto niyo bang kumain ipaghahanda ko kayo" tanong sa amin ni tita
" naku mommy wag na po dumaan lang po talaga kami dito, ihahatid ko na po si white sa kanila gabi na rin eh" sagot ni zed sa mommy niya
Nagpaalam na kami at umalis na kami kaagad ni zed. Nang makarating kami sa amin ay bumaba na ako pero nagulat ako ng bumaba din siya
"Oh may nakalimutan ka ba?" Tanong ko
"Oo eto oh" nagulat ako ng hinalikan niya ako sa labi
"AYYY JUSKO PO MARYUSEP" Narinig kong sigaw ni mama kaya napabitaw ako sa halikan namin at nakikita ko ang pagkagulat sa mata ni mama
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Naku po ano kaya ang mangyari sa kanila? Matanggap din kaya sila ng mama ni white?PLEASE VOTE AND COMMENT!
~ALWIINAA
BINABASA MO ANG
MY PLAYBOY BOYFRIEND (BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceIsang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong mukha mabigyan niya kaya ng oras ang pag-ibig? o mas pipiliin niya na lang ang maglaro ng mga compute...