Chapter : 22

777 11 0
                                    

Chapter : 22

*continuation of flashback *

RAINS POV

" wala kang pwedeng pag sabihan nito O ng makikita mo ngayon "

biglang sabi ng lalaking doctor sakin ng madala niya ko sa bahay niya kaya naman nag taka ako doon at anong ipapakita niya ? humarap siya sakin at nagulat ako ng hawakan niya ang muka niya

"po? Hindi ko po kay----"

naputol sa ere ang sasabihin ko ng hawakan niya ang muka niya at ...a..a-t naka masakara siya at ang inaakala kong lalaki ay isa palang babae

**

" tutuuran ka naming lumaban pero lahat ng matututunan mo dito ay gagamitin mo lang kung kinakailangan maliwanag ba iyon wensday ?"

sabi niya habang nag lalakad kami sa isang madilim na paligid saan naman kami papaunta nito ? at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na babae pala talaga siya at hindi lalaki pero bakit kailangan niya pang mag bihis lalaki ?


" pano niyo po nalaman ang pangalan k--"

sabi ko pero pinutol niya ang sasabihin ko at hinawakan ang kamay ko

"lets go "


at meron din pala siya organisation kung saan tuturuan ka nila lumaban para proteksyonan ang sarili mo para sa mga taong mapang abuso hindi rin sila isang gang O mafia  at lalong hindi sila pumapatay iyon ang pinaka bawal ang pumatay at manakit ng taong inosente at gamitin sa kasamaan at pag hihiganti ng matututunan mo mula sa organisation nila

" miyerkules ilag !."

agad akong napa ilag sa suntok na naka amba sakin  at
buweset na tawag niya yan sinamaan ko ng tingin si Rade dahil sa sigaw niyang iyon isa siya sa kasamahan ko dito sa organization na ito na napa irap na lang ako sa hangin dahil narinig ko ang pag tawa niya

" OY MARCO BAKA MAGASGASAN ANG MIYERKULES !. "

sigaw pa ni rade habang ako naman ay sinusubukan labanan si marco ng suntukan at buwest na yan hindi ako maka tama kahit isa at puro ako ilag

" Tsk..."

asik ko at tumingin sa gilid kung saan naka tayo si Rade at gasgas ang muka dahil sa sapak ko

"bweset ka talaga rad--ouch "

hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bumagsak ako sa lupa ERRR!.ANG DAYA !. nasabi ko na lang habang unti unting tumatayo

" wag mong hahayaan na maagaw ng iba ang atensyon mo "

sabi ni marco bigla kaya napa angat ang tingin ko sa kanya at ang cold niya talaga wala manlang kasi siyang expression naka tingin lang talaga siya sayo



lahat kami sa organisation ay wala ng tatay at nanay lahat kami wala ng mga magulang kaya parang mag kakapatid na ang turing namin sa isat isa ilang taon ako nilang tinuruan para proteksyonan ang sarili ko pero hindi dahil doon kaya ako pumayag hindi ako nag aral ng mga gingawa nila para proteksyonan ang sarili ko dahil gusto ko iyong gamitin sa pag hihiganti ko

" tandaan mo rain walang napapala ang taong nag tatanim ng sama ng loob "

sabi ni mardaney yan ang tawag namin sa doctor na akala ko dati ay lalaki yun pala ay babae hindi niya rin sinasabi kung bakit siya nag papangap na lalaki kahit ilang beses ko na rin yung tinanong

" gusto ko pong mag trabaho "

sabi ko sa kanya dahil naka pag tapos naman talaga ako pero hindi yun ang purpose ko talaga

" saan ?"

" sa mga buendia "

" bilang ?"

"katulong "

" tsk...stop that wensday "

" gusto ko lang pong maranasan maging katulong ayaw niyo naman po akong pag trabahuhin sa mga company diba ? at ayokong ayoko rin sa bar "

totoo iyon ayaw niya kong pumunta sa mga company dahil last na nagbtrabaho ako doon ay sinuntok ko ang boss ko tsk...gagahasain ba naman ako eh

" fine sasama ako sayo "

tumira kami sa isang bayan at nakakatawa na nag bihis siyang babae na tsk..

" aling delay ang itatawag mo sakin simula ngayon "

sabi niya ng seryoso sakin naka pasok na siya sa mga buendia bilang katulong at sabi niya ipapasok niya rin daw ako doon

"pffffft..."

nag pipigil na tawa ko dahik ngayon naka suot siya ng daster at naka tali ang buhok niya na parang nanay nag mumuka siyang lola

" anong nakakatawang bata ka ?"

pag tataray nito sakin at ngayon mukaa siyang nanay na kunsumeng kunsum sa anak niya na n
any time ay mambabato siya

" wala po ang ganda mo pala aling delata noh ?"

sabi ko at agad sumama ang muka niya at dahan dahang nag lakad sa puwesto ko teka may nasabi pa kong mali ?

"delata? DELAY !.de-lay!."

sabi niya pa sakin kaya mas lalo akong natawa ng lumaki ang butas ng ilong niya

***

naka pasok ako sa bahay ng buendia at una ko palang kita sa kanila kumukulo na ang ulo ko sila...sila ang may kasalanan kung bakit namatay si nanay
" Name ?"
biglang sabi ng asawa ng buendia tsk...kung sakalin mo kaya ito sobrang taray kasi ng boses niya patient is a vitue rain easy

" Wednesday Rain Zamore po "

naka ngiti ko pang sabi pero sa totoo lang peke iyon ganun din naman sila diba ? peke

" Hmm... I see magaling kaba sa gawaing bahay ?"

palibasa mayamaan gusto pasarap lang  sa buhay kay nag hahanap ng katulong

" Opo lahat po kaya kong gawin mag linis ,mag luto , maglaba at kung ano ano pa po "
Sabi ko sa kanya nguniti naman siya sakin at tumango tango na parang na tutuwa siya sakin pero ako hindi ako natutuwa sa pag mumuka nilang lahat

" Hmm.. maganda kung ganun "
Tango tango niya pa at ngumiti sakin ng matamis bago ko tinigan uli mula sa paa Hanggang bumalik sa muka ko sige lang suriin mo pa itong pag mumuka na ito ang mag papaiyak sa anak mo

" Salamat p----"

Hindi na tuloy ang pag papasalamat ko dahil sa sunod niyang sinabi at kusang nawala ang ngiti ko sa muka

" Kaso ang Dami na naming katulong Dito "

Sabi niya pa sabay libot ng tingin sa paligid Oo nga ang Dami na nilang katulong Dito at sa tono niya para siyang nanag iinsulto  pero kailangan kong maka pasok dito hindi ko sasayangin ang pag kaka taon yun ang nasabi ng isip ko pero tinagap nila ako at kung sususwetihin ka nga naman palay na ang lumalapit sa manok

" WHO ARE YOU?!."
Sigaw pa niya kaya naman agad ako napa talikod WHAAA may tao pala doon bakit kasi Hindi ko alam nakakahiya ako nito pano pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ang lalaki na naliligo at naka hubot hubad pa yari ako nito siya ba qng batang buendia ? peste na yan bakit hindi siya nag lo lock ?

" WHAAAA--- SORRY PO SIR SORRY PO HINDI KO PO SINASADYA !."

Sabi ko pa habang naka talikod at naka takip ang dalawang kamay sa muka ko ngayon panigurado na na mumula na ko ngayon at baka matangal din ako sa trabaho kasi naman RAIN BAKIT HINDI KA KUMATOK ?

buong akala ko noon ay ma tatangal na ko pero nag kamali ako dahil hindi niya iyon ginawa habang tumatagal ay lalo ko siyang nakikilala nag papangap akong inosente pag nanajan siya pero pag nakatalikod siya gusto ko na siyang patayin

kinuha ko ang loob niya at hindi nag tagal ay nahalata ko ang pag babago niya unti unti na siyang nahuhulog sa mga bitag ko tsk...

at lahat ng plano kong iyon ay nag tagumpay .....

~~~~~END OF FLASHBACK ~~~~

THE POOR GIRL Where stories live. Discover now