2: UNEXPECTED

79 8 2
                                    

"Angellene andito na ako, hindi ka na ulit mag-iisa. Mahal na mahal kita. Ikaw lang. Pangako".

"Please wag mo ako ipagpapalit. Ikaw na lang meron ako. Hindi ko na ulit kayang mag-isa".

"Ikaw yung buhay ko, ikaw yung nagpapasaya sakin".

"Mahal na mahal kita"

At unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
.
.
.
.
.
"ANGELLENEEE!!!!"

Ay takte yan ang lakas ng sigaw ni Mama. Ang ganda na e.

"ANGELLENE BUMANGON KA NA JAN LATE KA NA! PANGALAWANG ARAW PA LANG NG KLASE LATE KA NA AGAD!"

"Opo Ma" sambit ko

Ay shet! 7am na pala! Babiyahe pa ako! Takte kasing panaginip yan! Bakit andun na naman yung lalaking yun? Sino ba yun bakit kailangan malabo mukha niya? Tapos ngayon hahalikan na niya ako! Kukunin niya pa first kiss ko! Aish!

Siguro mga 5 mins. Lang ako naligo tapos kumain saglit kasi syempre kahit late na alam mo naman si Mama di ako paaalisin ng bahay hangga't hindi kumakain.

"Alis na po ako Ma. Bye po!"

"Okay ingat ka!"

Naglakad na ako papuntang kanto para sumakay ng jeep, laking gulat ko ng pagsakay ko ay nakita ko yung 3rd Year representative na si Gacilo. Ewan ko pero may bigla akong naramdaman na weird.

Bakit ganito puso ko? Bakit nagwawala nung nakita ko siya? If ever, crush lang naman 'to diba? Oo tama! Crush lang.

"Miss sa kanan na lang ho" saad ng driver

You mean sa tabi ni Gacilo? Hindi makatarungan! Baka tuluyan na akong maistatwa nito.

Syempre no choice late na nga ako magpapaka-choosy pa ko kaya tumabi na lang ako. Nacurious tuloy ako bigla sa itsura ko. Nakakahiya.

---

Fudge. 7:45 na nakakahiya kay Ma'am Florido. Buti na lang din nakaraos na ako from that weird scenario.

For sure nagstart na sila mag nominate ng mga class officers. Ayoko ng mga ganun, bukod sa boring nakakatamad.

Bago pa ako makapasok ay rinig ko na hiyawan ng mga kaklase ko sa pintuan. Ang wild nila.

"I respectfully nominate Angellene Garcia as our class president" saad ni Adrian.

"Woohooo!!! Opo Ma'am! Si Angellene!" Sigaw naman ng iba 'kong mga kaklase.

Whaatt theee.... pusang gala fudddgeee!??

"Bianca! Huhuhu bakit ako ninominate!" Ani ko.

"Bakit ba ayaw mo? Ako nga gusto ko maging class president para pag may meeting excuse ako sa gagawin na activity hehe tapos makikita ko pa yung cutie na kasama nung 3rd Year representative!"

"Basta ayoko!" Sagot ko.

What the pusang gala fudgee!! Oo nga pala! Expected na yun madaming meeting! And... And... Nandun for sure yung mga representative for each year level! Oh noes!

"Bakit nga ayaw mo? Andami kayang gusto maging class president! Syempre gusto din makasama sa meeting ng mga hot cuties! Aaahhh!!!"

"Sshh!! Wag ka nga maingay! 'To talaga! Required ba talaga tumili? Basta ayoko lang! Ayoko." Sambit ko.

"Hehe sorry naman naexcite lang. Speaking of, for sure inonominate yang si Margoux and makakalaban mo for the position of class president"

"Sinong Margoux?" Saad ko

Till The Day We Met //On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon