9: GOODNIGHT

35 6 0
                                    

Dedicated to zaiyale

10/19/09
Wednesday
12:31 pm
Lunch

Angellene's POV

"So how's the cake?" Bungad na tanong ni ate Cesca sakin.

Hindi ako makapagsalita dahil lahat ng mata nila ay nakatutok sakin. Simula ng umupo kami at kumain, ako muna ang pinatikim nila noong cake na binili nila. Sa pagsubo ko at pagnguya ko nakatingin lang sila sakin at inaabangan ang reaksyon ko.

Ang weird nila diba? Tsaka sino bang matinong makakapagsalita ng maayos sa ganoong sitwasyon?

"Uhm" Tanging ngiti na lang at tango ang naisagot ko.

"Your reaction seems okay, kukuha na ako ng cake ha?" pangunguna ni ate Ernestine sabay dampot ng tinidor at kumuha sa cake.

"Woah, ngayon lang ako naka-apreciate ng mocha cake. Sarap!" nakangiti namang saad ni ate Ernestine habang ngumunguya.

"Oi bibig mo. Balahura talaga itong babaeng ito."

Nagulat naman kami ng biglang pinunasan ni kuya Vince ang icing ng cake na kumalat sa bibig ni ate Ernest.

Lahat kami napatigil sa nangyari pati ang reaksyon ni ate Ernest di mapaliwanag.

What the heck? May relasyon ba itong dalawang ito? Ang corny ha.

"Hoy, kayong dalawa. Aminin niyo nga, may relasyon ba kayo?" wala sa utak kong nasabi.

Oops, para namang wala akong respeto nung sinabi ko iyon. Eh kasi naman! Putcha nakaka-ngiwi yung mga pinaggagawa nilang dalawa at sa harap ko pa! Kitang birthday ko ngayon eh.

"Huh?" pagmaang-maangan naman ni kuya Vince.

Aba may pa-huh huh pa siya diyan! Di na lang nagpaliwanag, support ko naman sila eh Hahaha.

"Hoy Ernestine, ano nakatunganga ka nalang? Magpaliwang ka rin sakin! Kaibigan mo ako tapos di mo sinasabi sakin lahat ha?! Ganyan na ba ngayon?! Kainis!" Nagdabog naman si ate Cesca sa nangyari. Habang si ate Ernestine naman nakatunganga parin. Nako nako.

"Hey guys, kalma. Ano bang pinagsasabi niyo? Wala namang kami ah?" sabi ni kuya Vince sabay tawa.

Anong nakakatawa don? Parang timang.

"Hoy Vince Angelo umamin ka nga. Lalaki sa lalaki, gusto mo ba yan si Ernestine?" diretsong tanong ni Kuya Sphere.

"Ano bang pinagsasabi mo Pareng Sphere? Nakaka-gago ha. Masyado niyo namang binibig deal yung pagpunas sa bibig. Tsaka sino namang magkakagusto diyan sa balahurang babaeng yan na kung kumilos lalake? HAHAHA." Halakhak naman ni kuya Vince.

Anong nakakatawa doon? Putcha masakit iyong mga sinabi niya hoy!

"Huy kuya Vince grabe ka naman kay ate Ernest" Singit naman ni Sly sa tabi.

Nagulat na lang kami ng may kumalampag na upuan at si ate Ernestine pala iyon na mukhang natauhan na sa mga nangyayari.

"Cr lang ako guys" Usal niya sabay diretso sa cr.

Till The Day We Met //On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon