Hayss buti na lang weekend na, makakapag-pahinga na ako. Halos 2nd week pa lang andami ng nangyari. Hindi naman ganito buhay ko dati eh, mas less iniisip ko.
Naisipan ko tuloy bigla magjogging tutal 6am pa lang naman. Nasanay na din sistema ko sa school hours.
Naligo na ako at nagpalit ng damit. Naisipan ko din na isama yung aso 'kong si China kaso wag na lang para may magbabantay sa bahay. Ako lang kasi mag-isa ngayon wala sila Mama at Papa may business trip sa New York.
Habang nagjojogging ako ay may biglang sumigaw sa pangalan ko. Paglingon ko ay nagulat ako ng nakita ko si Rafael. Bakit siya nandito sa village?
"Oh bakit ka nandito?" Tanong ko ng makalapit siya sakin.
"Tsunget naman ni Pres. Dito din ako nakatira noh. Bakit ikaw lang pwede tumira dito pati mag jogging?"
"Whatever. Eh bakit mo ako tinawag ano kailangan mo?"
"Wala lang. Sasama lang ako sa'yo"
"At bakit?"
"Whatever. Akala mo naman maganda para magsungit" medyo pabulong na yung mga huli niyang sinabi pero narinig ko parin tsk.
"Psh dun ka na nga mang-babadtrip ka pa! Nananahimik ako dito" pagtataboy ko sa kanya at umalis na ako.
Maya-maya ay nagulat ako ng napansin 'kong nakasunod siya sakin.
"Hoy asungot stalker ba kita ha?" Pagtatanong ko sa kaniya ng may pagkairitang boses.
"Yuck If stalker mo man ako well dapat magpasalamat ka pa at may gwapo kang stalker. At saka walang mang-iistalk sayo noh mukha kang aso! HAHAHAHA" At sabay hagalpak ng tawa.
"Aba! aba! At manglalait ka pa! Mukha ka namang kabayo! Umalis ka na nga wag mo na ako sundan!" Pagmamaktol ko.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilain.
"H-hoy! Bitawan mo nga ko!"
"Samahan mo muna ako"
"Saan mo ba ako dadalhin."
Nagulat na lang ako ng nakita kong nasa park kami. Ano naman gagawin namin dito?
"Please?"
"Okay fine" samahan ko na nga 'tong asungot na 'to. Wala din namang masama kung sasama ako. Classmates din naman kami eh.
"Wait lang" ay aba! Saka ako iiwan?!
Nakita ko siyang lumapit sa ice cream vendor at bumili ng 2 cookies and cream? Favorite ko yun...
"Oh" pag-aabot niya sa akin ng ice cream.
"Ano gagawin ko jan?" Aish ano ba 'tong tanong ko.
"Titigan mo lang hangga't matunaw"
"Psh"
"Psh ka din! Malamang kakainin mo!"
"I know. Para saan 'to?"
"La lang. Fave ko yan noh!"
Di ko na lang siya pinansin at kinain ko na lang ung ice cream ko.
"Wala kasi akong kasama sa bahay eh. Lagi lang akong nag-iisa. Hiwalay sila Mom and Dad and sumama ako kay Mom pero nakikita ko pa din naman si Dad. Si Mom kasi saka ung Stepdad ko laging nasa California para dun da business and as usual, kasama nila yung stepbrother ko. Si Dad naman kasama niya yung bsgo niyang asawa and buntis din yung asawa niya. Ewan ko ba saan sko lulugar. But at least, I get everything... I have everything. Hayss.. Ikaw musta yung may kumpletong pamilya?" May pinagdadaanan din pala 'tong mokong na 'to. Pero at least kahit papano nag-aaral naman ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Till The Day We Met //On-Going
Teen FictionTotoo nga ba ang tadhana? Na kahit sobrang layo niyo na sa isa't-isa pinaglalapit parin kayo ng tadhana? Na kahit nakalimutan niyo na ang isa't-isa kayo parin ang pinipilit ng tadhana? Sa puppy love nagsimula lahat ngunit nagtapos sa totoong pagmam...