Angellene's POV
Buong oras ng klase lutang lang ako. Wala na akong kahit anong maintindihan sa sinasabi ng history teacher namin. Boring naman yun eh.
Paano ko kaya ikukwento kay Bianca? Sheez. Alam ko masasaktan yun syempre. Eh kung itago ko na lang kaya? Kaso parang niloko ko din siya. Pag sinabi ko naman masasaktan yun. Hayss ano ba naman 'to.
"Psst... Amboring naman inaantok na ako. Usap naman tayo. Notiiiceee meeee pooo" biglang pangungulit ni Bianca.
"H-ha? Oo nga eh, ang boring and wala din naman aking makukwento sayo". Sagot ko.
"Sus. Alam ko namang crush mo si Mark eh! Halata kaya! Saka magaling ako kumilatis sa mga kagaya mo noh! Walang palya 'to! Hahaha dali na! Wag mo na kasing ideny! Tama naman ako diba? Diba dibaa. Mapagkakatiwalaan naman ako eh kahit may pagka-maingay ako minsan hehe" mahabang litanya ng pagpupumilit ni Bianca.
Sabihin ko na ba? Magkaibigan na naman kami eh so mapagkakatiwalaan ko na siya. Ako nga pinagkatiwalaan na niya eh.
"Fine. Fine. Kung ang ineexpect mo is yung pagkikita namin ni Mark napaka epic fail". Tugon ko.
"Yun na nga eh! Kwento mo naman! At bakit naman naging epic fail ha? May ginawa ka agad na kalokohan noh?"
"Wala noh! Basta feeling ko nakakaturn off ako sa nagawa ko. Basta may nagawa akong nakakahiya!" Sagot ko.
"Nagpakaweird ka sa harapan niya? Nagsexy dance ka sa harapan niya ganun? Nakita ka niyang nangulangot? Natae ka? Naihi?" Pamimilosopo ni Bianca.
"He! Ang bagra. Hindi naman sa ganun. Kasi naman. Pinakilala ako ni ate Francesca kay Mark di ako ready! Tapos... Tapos binati niya din ako and para akong masusuka na hindi ko malaman. Basta wala akong masabi sa pagka-overwhelmed so to get out of the situation tumakbo ako papuntang c.r. kahit tinatawag nila ako di ako bumalik. Grrr!! Kakahiya! Bakit ko ba ginawa yun!" Sabi ko na may halong pagsisisi.
"AAAHHHH!!!!! BABEEEE!!!! I'M REALLY HAPPY FOR YOUUU!!!! NANOTICE KA NA NG KRASS MOOO!!! UWU!" Bulong pero halos sigaw na ang ginawa ni Bianca dahil sa sobrang kilig na mukhang mas kinikilig pa sakin. For sure di na ako titigilan nito.
"Miss Bianca! Bakit hindi ka nakikinig? May problema ba? If ayaw mong makinig then be quiet! Nakakaistorbo ka sa iba!" Pagsuway ng teacher namin.
"Sorry po Ma'am hehe" paghingi ng paumanhin ni Bianca.
"Mamaya na lang nga. Kill joy naman kasi" bulong ni Bianca sakin.
~
Buti na lang nagbell na kanina pa ako nagugutom.
"ANGELLENEEE!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae sa di kalayuan.
Paglingon ko, ay kami pala ni Bianca. Nagulat ako ng makita ko si ate Francesca... Pero di siya nag-iisa, kasama niya si Sphere? Hala!
"A-ate? B-bakit po?" Tanong ko ng makalapit sila.
"Sorry Angellene di na ako nakapunta sa classroom kanina. May pinaasikaso kasi si Boss Vivi hahaha" sagot ni ate Francesca.
"Ay ayos lang po. Ah ate and Sphere kaibigan ko nga po pala, si Bianca po. Bianca, si ate Francesca and si... Sphere" pagpapakilala ko sa kanila sa isa't-isa. Bahala na, basta alam ko bawas awkward and hiya din 'to para sa kanila, lalo na kay Bianca.
Parang nga lang nakakapanibago atmosphere sa paligid. Ang tahimik ni Bianca.
Francesca's POV
BINABASA MO ANG
Till The Day We Met //On-Going
Teen FictionTotoo nga ba ang tadhana? Na kahit sobrang layo niyo na sa isa't-isa pinaglalapit parin kayo ng tadhana? Na kahit nakalimutan niyo na ang isa't-isa kayo parin ang pinipilit ng tadhana? Sa puppy love nagsimula lahat ngunit nagtapos sa totoong pagmam...