10/19/09
Wednesday
5:03 amAngellene' POV
Months passed, at ganon parin ang situation sa school. Busy parin ako sa mga duties as class president, sobrang hectic na rin ng schedule ko since lagi na kong nagwhole day para makacatch-up sa mga lessons na hindi ko naaral dahil laging may meeting.
Sa totoo lang nakakapagod grabe, iisipin ko pa lang na may 3 year pa ako doon sa Sta.Elena parang nababalisa na ako.
Maaga akong nagising ngayon sa kadahilanang ngayon ang araw ng kaarawan ko.
Yeah, it's my birthday.
Di ako masyadong excited dahil same routine na naman at nagkataong weekdays pa kaya I have no right to have fun. Study first before everything else.
I've been an achiever this year, nakakapasok naman ako lagi sa top 10 every quarter at sana magpatuloy pa iyon.
Yung welcoming party, hindi na natuloy. Wala pa kasing fund yung SSG kaya ganon na lang ang lahat na umasa na matuloy iyon.
Ilang buwan na rin simula ng tumigil ang mga panaginip ko na hindi ko maintindihan, simula noong nagkaroon na ako ng weekly visit sa psychologist umayos naman na siya.
About naman sa engkwentro last last month… isiniwalang bahala ko na lang iyon. Siguro typical case lang iyon ng pagnanakaw. Nevermind.
Tumayo na ako upang kumain sa baba, naririnig ko narin kasi yung morning na palahaw ni mama sa labas ng kwarto eh.“Lalabas na po mama.” Sagot ko sakanya.
Ginawa ko muna lahat ng morning rituals ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
“Happy birthday to you!~ Happy birthday to you!~ Happy birthday Happy birthday! Happy birthday to you!~” nagulat ako ng nagsimulang kumanta si mama ng lumabas ako ng kwarto at hinalikan ako sa noo.
“Si mama talaga nag-abala pang kumanta sows.” Malokong usal ko. I'm happy na.
“Syempre para sa dalaga kong anak. Biruin mo kahit di tayo kompleto atleast, masaya tayo hindi ba?” madrama niyang sambit sakin.
Talaga tong nanay ko, mabuti hindi ko nakuha yung kadramahang tinataglay niya. Char.
“Sows mama, kadiri ah! Ang drama jusko di ko carry. Btw, Goodmorning mama ko at salamat.” Bati ko kay mama.
“Goodmorning rin anak ko at walang anuman, musta tulog? Ayos na ba? Wala ka na bang napapanaginipan?” tanong niya.
“Wala naman na ma, ayos na po ang tulog ko.” Sagot ko at kumuha ng hotdog na nakahain sa lamesa. Habanh kumakain ay nag video call lang din kami ni papa.
Natapos na akong kumain at nagayos na ng gamit.“Ay anak! Happy Birthday ulet ha? Sorry ulet wala akong nahandang regalo sayo.” Malungkot niyang saad.
“No ma, ayos lang po basta lagi kayong nandito masaya na ako.” Nakangiti kong sabi at niyakap siya.
“Ingat palagi nak. Love you.” pag-papaalala niya sakin.
“Love you too ma, una na po ako.”
Lumabas na ako ng bahay.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate nagulat ako sa mukhang nakatambad sa harapan ko.
Is he serious?“Hi miss pres!” Masiglang bati niya.
Aba nandito nanaman ang pambihirang Jacob namemeste ng araw ko.Simula kasi noong inilibre niya ako ng ice cream lagi na niya akong binubwiset sa school. Lagi na rin siyang nag-aabang sa labas ng bahay namin na parang tanga. Minsan na siyang nakita ni mama at tinanong siya kung boyfriend ko ba daw, at aba ang loko um-oo naman! Napaka talaga nito.
“Hoy Jacob ano nanamang nakain mo at nandito ka nanaman.” Umiinit dugo ko sa lalaking ito ha.
“Ikaw na ngang pinayagan na tawagin akong Jacob ikaw pa galit?“ reklamo niya kasabay ang malokong ngisi.
Aba! Sumosobra na to.
BINABASA MO ANG
Till The Day We Met //On-Going
Teen FictionTotoo nga ba ang tadhana? Na kahit sobrang layo niyo na sa isa't-isa pinaglalapit parin kayo ng tadhana? Na kahit nakalimutan niyo na ang isa't-isa kayo parin ang pinipilit ng tadhana? Sa puppy love nagsimula lahat ngunit nagtapos sa totoong pagmam...