GUSTO KITA, SANA GANON KADIN
Hindi ko matandaan kung kailan nagsimula
Itong ngiti, kilig, at pamumula ng aking mukha
Ngiti mong mas maganda pa sa sunset
Boses mo na sa aking teynga na naka set
Kinikilg ako tuwing ating mga mata ay magtama
Bakit nga ba? Dahil ba sa gwapo ka? Dahil ba sa matikas ka? O dahil ba sa malakas lang talaga ang aking tama?Sa pag daan ng mga araw, mukha mo sa isip ko na'y nakaukit
Ngiti mo na kay tamis, sa mga labi mong mapupula at nakakaakit
Kailan mo kaya makikita na sa aking mga mata ikaw lang ang gustong makita
Kulang paba ang aking pagpapansin? Ang mga sulyap? Ang tukso ng iba sa atin?
Bakit hindi magawang lingunin itong pusong sabik sa atensyong mong ipinagkakait sa akin?
Gusto kita, sana ganon kadinGusto na kita nong una palang
Alam kong mas titindi pa 'to kaya pinaalala ko lang
Masaya ka kapag kausap ang iba, napapangisi na akala mo may nakakatuwa
Minsan mga mata natin ay nagkatagpo pero ikaw lang din ang unang umiiwas at lumalayo
Kahit masakit napapangiti parin ako, umaasa parin ako
Gustong-gusto kita, sana ganon kadin
BINABASA MO ANG
Mga Salita (Spoken Words)
PoetryIt was a rainy afternoon, having a coffee moment while imagining things..and ended up making poem. "Sa bawat patak ng ulan, hindi mabilang ang mga ala-alang ating pinagsaluhan Gustong balikan, gustong dugtungan, ayaw lampasan Masakit makita kang na...